APOLOHETIKO
"Wala sa Biblia iyan!" ang palaging bukambibig ng mga anti-Katoliko sa atin sa tuwing tinutuligsa nila ang mga doktrina ng Simbahan. Subalit hinahamon natin sila: "Wala nga ba talaga sa Biblia, o hindi mo lang makita sa Biblia?" Ang katotohanan ay nananatiling katotohanan nakikita man ito o hindi ng isang nagmamagaling na anti-Katoliko. Maraming bagay sa mundong ito na bagama't hindi natin nakikita ay umiiral. Maraming bagay na palagi nating nakikita subalit hindi natin naiintindihan dahil hindi natin tinitingnan nang maayos. At marami ding bagay sa mundo na bagamat halata namang totoo, ay pilit pa ring pinasusubalian dahil hindi natin matanggap ang katotohanan.
Nagsisimula ang pagkatuto kung tatanggapin mo ang sarili mong kahinaan. Kailangan mong tanggapin na marami ka pang kailangang matutunan. Kailangan mong tanggapin ang iyong mga naging pagkakamali, at sikaping itama ang mga ito. Sarili mo lang ang niloloko mo kung patuloy kang magmamagaling, at ipagpipilitan ang sarili mong paniniwala.
Maraming Katoliko ang umaalis sa Simbahan upang umanib sa ibang relihiyon, subalit karamihan sa kanila ay hindi naiintindihan kung ano ba ang relihiyong iniwan nila. Maraming anti-Katoliko na tinutuligsa ang mga doktrina ng Simbahan, kahit na hindi naman nila naiintindihan kung ano ba ang mga sinisita nila. Marami ding tao na sadya lang talagang mapanlait sa kapwa dahil naniniwala silang sa pagsita nila sa mga inaakala nilang "mali" sa ibang tao, ay wala nang maaari pang sitahin sa sarili nila. At mayroon din naman na walang pakealam sa Diyos, at nililibak ang Simbahan dahil "trip lang" nila. Gustong-gusto nila na sila'y nakakalamang sa iba, at buhay na buhay ang kanilang mga dugo sa tuwing mayroon silang mga Katolikong naipapahiya. Ang Biblia ay nagsilbing kasangkapan ng kanilang mga pagmamapuri at pagbubuhat ng sariling bangko. Wala talaga silang intensyon na "itama" ang inaakala nilang "mali" sa atin. Ang tanging gusto lang nila'y tapak-tapakan ang ating pagka-Katoliko hanggang sa malagay tayo sa matinding kahihiyan at tuluyang iwan ang Simbahan.
May mga tao na kinakasangkapan lang ang mga usaping pangrelihiyon upang mapagtakpan ang mga personal na problema at kasiraan mga "Cristiano" na walang nagagawang magaling sa kanilang relihiyon, kaya't itinutuon na lang ang panahon sa pagtuligsa sa Simbahang Katolika at sa paghahanap ng lahat ng posibleng kapintasan sa mga pari, sa pag-aakalang ang paninita sa pagkakamali ng iba ay maaaring ipampalit sa sariling responsibilidad na magpakabanal. Sila ang mga taong tuwang-tuwa sa pagsasangkalan sa kanilang mga "sakripisyo" at "pagsisikap" na agawin ang mga umano'y "Katolikong bihag ni Satanas". Sila ang mga "Cristiano" na naghahanap ng batong ipupukpok sa sariling ulo, na matapos mamerwisyo sa mga Katolikong naubusan na ng pasensya sa kanila, ay sasabihin pang "Inuusig kami ng mga Katoliko!"
"We ask our people not to endanger their faith through a false sense of ecumenism which often serves as the entry point of many of these sects . . . We must regretfully say that the fundamentalist sects, with their aggressive and sometimes vicious attacks on the Catholic Church, do not practice an ecumenism which we can trustingly reciprocate."Ang website na ito ay resulta ng mahaba-habang panahong ginugol ko (at patuloy na ginugugol) para ipagsanggalang ang aking pamilya, ang aking mga kaibigan, at ang aking sarili mula sa mga sari-saring tumutuligsa sa Simbahang Katolika. Hindi mo kailangang uminom ng lason para masigurong malusog ang sikmura mo. Hindi mo kailangang iumpog ang ulo mo sa pader para patunayang matibay ang bungo mo. Hindi mo kailangang tumingin sa mga malalaswang larawan para masubukan kung malinaw nga ang mga mata mo. Hindi mo kailangang "magsuri" sa mga sari-saring denominasyong "Cristiano" na naglipana sa daigdig (na pawang resulta lang ng Protestant Reformation noong ika-16 na siglo) para lang makatiyak na ang Simbahang Katolika ay tama. Maikli lang ang buhay ng tao, at may hangganan ang kakayahang makapag-isip nang maayos. Sa halip na lasunin natin ang ating isipan sa mga ipinagpipilitang opinyon ng mga anti-Katoliko, unahin nating makinig sa itinuturo ng Simbahang Katolika ang ORIHINAL na Iglesia na itinatag ng Panginoong Jesus noong 33 A.D. sa Jerusalem. Ito ang Simbahang "HALIGI AT SALIGAN NG KATOTOHANAN" (1 Timoteo 3:15). Ito ang Simbahang nakatayo "SA IBABAW NG BATO" (Mateo 16:18). Hinahamon tayo ngayon ng Panginoon: "Ibig din ba ninyong umalis?" (Juan 6:67). Kaisa ni Apostol San Pedro, ang unang Papa, sana'y masabi rin natin sa Panginoon: "Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan!" (Juan 6:68).
CATHOLIC BISHOPS' CONFERENCE OF THE PHILIPPINES
"Hold Fast to What Is Good" (I Thess. 5:2)
27 January 1989
- MCJEFF
"Now there is only one way by which the unity of the human race can be achieved, and that is by their being made one in the profession of the one true Faith. This is none other than the Faith that the Holy Roman Catholic Church, the Church founded by Christ Himself, teaches. For to her alone was the divine commission given to 'make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit' (Matthew, xxviii, 19); to her alone was the divine promise made that 'I am with you all days, even unto the consummation of the world' (Matthew, xxviii, 20); and hence, of her teaching alone can it be said that 'he who believes and is baptized shall be saved, but he who does not believe shall be condemned' (Mark, xvi, 16) . . . . "So far we have been addressing those, both clergy and laity, who belong to the One Fold because they owe allegiance to the One Shepherd, the Vicar of Christ on earth. Now We turn to those men of good will who are unhappily estranged from that allegiance, to express Our earnest desire and prayer that they may soon return to their Father's House. Let them reexamine in the presence of God the reasons which induced them to separate from Catholic unity. Let them reflect whether these human considerations make up for the irreparable loss they suffer in being cut off from the True Vine, the source of grace and truth. Let them consider well what they shall say when they stand before the judgment-seat of Him who said, speaking of His Church, that 'he who hears you, hears me; and he who rejects you, rejects me' (Luke, x, 16). "Let no one think it intolerance or pride on Our part when We demand as an indispensable condition for Christian unity the unreserved acceptance of the teachings and laws of the Catholic Church. For it is Christ Himself, not We, who has imposed this condition. His charge to Us is to teach, not what We please, not what will please others, not what the world is willing to accept, but 'all that I have commanded you' (Matthew, xxviii, 20). Of Ourselves, We are not unprofitable servants; but We have been entrusted with the deposit of faith, and We must guard this deposit and transmit it to Our successors inviolate. This Gospel that We must preach may seem at times to be a hard saying, 'to the Jews a stumbling-block and to the Gentiles foolishness' (I Corinthians, i, 23), but woe unto Us, if We do not preach the Gospel (I Corinthians, ix, 16): For We have been commissioned the custodians of God's word, and, cost what it may, We must be faithful to that commission. "To those, then, who are willing to submit to the demands of divine faith, as We ourselves have submitted to them, We extend a warm welcome. To those who have not yet received the grace to make this submission, We preserve a cordial benevolence, and declare Our willingness to cooperate with them as good citizens, as long as the faith is not compromised, in any undertaking for the common welfare. And to those who persist, despite Our efforts for unity, in cultivating a hostile attitude towards the Church, We would recall the memorable words of Gamaliel to the Sanhedrin, when that assembly was deliberating on whether to put the Apostles to death: 'I say to you, Keep away from these men and let them alone. For if this plan or work is of men, it will be overthrown; but if it is of God, you will not be able to overthrow it' (Acts, v, 38-39). "Indeed, no human power will avail to overthrow it; for it is written that even the gates of hell shall not prevail (Matthew, xvi, 18). It will stand, and in the end it will triumph, whatever defeats and disasters may be in store for us who serve it. God will sustain it, for it is the world's one hope of unity; that unity which is the prime witness of God." CATHOLIC HIERARCHY OF THE PHILIPPINES Unity, the Prime Witness of God 25 January 1953 |
DISCLAIMER
Ang mga sumusunod na sanaysay ay hindi naglalayong magbigay ng opisyal na paliwanag ng Simbahang Katolika, kundi magbahagi lamang ng aking personal na pagkaunawa sa mga aral nito. Bagama’t sinikap kong maging patas, detalyado, at may sapat na sanggunian sa aking mga pagpapaliwanag, ako’y isang karaniwang Katolikong layko na walang pormal na mataas na pinag-aralan sa teolohiya o iba pang paksang relihiyoso, at mag-isa ko lamang isinasagawa ang proyektong ito. Samakatuwid, anumang kamalian, kalabisan, o kakulangan sa alinman sa aking mga sulatin ay tanging sa akin lamang maisisisihindi sa Simbahan, hindi sa sinumang pinuno nito, at hindi rin sa alinmang samahang pang-Simbahan.
- MCJEFF
Diyos
- Totoo Bang May Diyos?
- Bagamat Siya'y Diyos
- Ang Diyos ay Pag-ibig, Kaya Magdusa Ka
- Himala: Pagninilay sa MATEO 11: 20-24
Biblia at Tradisyon
- Biblia Lang Ba Ang Batayan?
- Itinuro Ba Ni Pope Francis Ang Erehiya Ng Sola Scriptura?
- Labag ba sa mga Aral ng Simbahan ang Teorya ng Ebolusyon?
Simbahan
- Ang Tunay Na Simbahang Itinatag Ni Cristo
- San Pedro, Unang Papa
- Iskismo Ng Tatlong Papa
- Iglesia Ni Cristo: Pangalan Ng Simbahan?
- Kulto Ba Ang Simbahang Katolika?
- Masama Bang Maging Korporasyong Pang-relihiyon?
- Ano Bang Meron Sa Acts 23:11?
- Ako Ay Iglesia Ni Cristo?
- Pentekostes: Kaarawan Ng Simbahan?
- Emperador Constantino: Pasimuno Ng Katolisismo?
- Pagkakahiwalay Ng Simbahan At Estado
Kaparian
- Masama bang Tawaging "Padre" ang mga Pari?
- Bakit Bawal Mag-asawa Ang Mga Pari?
- Si Bishop Soc at ang Isyu ng Vote Buying
- Arguelles: "Hindi na kailangan yang mask"
Maria
- Maria: Ina ng Diyos, Ina ng Simbahan
- Kecharitomene
- Maria: Kalinis-linisang Paglilihi
- Mas Pinagpala Ka Ba Kay Maria?
- Babae, Anong Pakialam Ko Sa Iyo?
- Pagsamba Kay Maria: Itinuro ba ng Vatican II?
- Maria: Birhen Magpakailanman
- Maria: Iniakyat Sa Langit Nang May Katawan At Kaluluwa
- Maria: Iniakyat Sa Langit
- Mali daw ang "Mother of God" dahil sa John 1:18?
Mga Santo, Imahen, at Relikya
- Pamimintuho sa mga Banal
- Espiritismo ba ang Pananalangin sa mga Santo?
- Ang Aking Opinyon Hinggil Kay Blessed Carlo Acutis
- Relikya
- Ang Pagimbento sa Krus
- Mga Banal na Imahen: Diyus-diyusan Ba?
- Pamimintuho sa Imahen ng Nazareno: Kalabisan Nga Ba?
- Mga Tsismis Tungkol sa mga Banal na Imahen
Panalangin, Debosyon, at iba pang Nakagisnan
- Panalanging Mula Sa Puso
- Ang Aking Opinyon Hinggil sa Tamang Postura sa Tuwing Dinarasal ang "Ama Namin"
- Labag ba sa Biblia ang Pagrorosaryo?
- Labag ba sa Biblia ang Simbang Gabi?
- Miyerkules ng Abo
- Ang aking Opinyon hinggil sa "Papa Jesus"
- Masama bang Magdiwang ng Kaarawan?
- Ang aking opinyon hinggil sa Halloween
- Mga Paglilinaw Hinggil sa Pasko
Mga Sakramento
- Sakramento ng Binyag at Kumpil
- Sakramento ng Kumpisal
- Paglalakbay Patungo sa Kamatayan: Ano ang Dapat Isaalang-alang?
Mga Huling Bagay
Kaligtasan
Mga Pag-uusig, Anti-Katolisismo, at iba pang Kabalbalan ng mga Sikat at Pasikat
- Ang Anti-Katolisismong di mo dapat Pinoproblema
- Porke't Marami, Mali na Lahat?
- Ang aking Opinyon hinggil sa House Bill No. 4633
- Ang Kaplastikan Ng National Bible Sunday
- Ang Aking Opinyon Hinggil kay Maxene Magalona
- Nilapastangan ba ni VP Robredo ang Novaliches Cathedral?
- Namatay bang anti-Katoliko si Rizal?
- Block Lang Nang Block
- Mga Anti-Katoliko sa Facebook
- Diyos ang Binastos, Pero sa Kung Sinu-sino Humingi ng Tawad?
- Sinong Gusto Mong Maging Santo Papa?
- Mga Kabalbalan ng Wattah Wattah: Kasalanan ba ng Simbahan?
- Pagsisiyasat sa mga Nakasanayang Apolohetika
- Atis: Isang Komentaryo
Mga Pagmumuni-muni atbp.
- Mga Pagmumuni-muni #1
- Mga Pagmumuni-muni #2
- Mga Pagmumuni-muni #3
- Mga Pagmumuni-muni ng Isang Katolikong Walang Asawa
- Social Media
- Kapag may Kapamilya Kang Naaakit sa Ibang Relihiyon
- Hindi Porke't Katoliko Ako
- Kung Gusto Mong Maging Perfect
- Ang Matuwid na si Lot
- Marami ka bang alam sa Biblia?
- Meron ka bang Facebook account?
- Mahirap Magpatawad
- Mga Personal na Tanong Tungkol sa Santo Rosaryo
- Mahirap Manalangin