"Ipinapahayag ko na ako ay Katoliko at sa relihiyong ito ako iminulat at nag-aral, at dito ko rin nais mabuhay at mamatay. Binabawi ko nang buong puso ang anumang salita, sulat, gawa, at gawi na laban sa katangian ng isang anak ng Simbahan. Ako'y naniniwala at nanunungkulan nang ayon sa itinuturo nito."
JOSE P. RIZAL

Martes, Agosto 03, 2021

Mga Tsismis tungkol sa mga Banal na Imahen

Mahilig ka ba sa mga tsismis? Madali ka bang mapaniwala ng mga sabi-sabi? Kung kapwa mo Katoliko ang nagkwento, agad ka bang nagtitiwala? Kapag may ebidensyang ipinakita sa iyo, agad mo ba itong tinatanggap sa halip na siyasatin muna? Basta ka na lang ba naniniwala sa lahat ng makita mo sa internet, lalo na sa social media? Noong June 21, 2017, naglabas ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ng liham pastoral na pinamagatang "CONSECRATE THEM IN THE TRUTH: A Pastoral Exhortation Against Fake News". Dito'y pinaalalahanan tayo hinggil sa mga masamang epekto ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon:

"Crucial decisions — personal and social — depend on the accurate grasp of facts. 'Alternative facts' and 'fake news' engender faulty decisions many times with disastrous long-term consequences to persons and to communities. Sadly, we see this happening today. There are persons who have given themselves to the service of reporting what never happened, concealing what really happened, and distorting what should be presented in a straightforward manner . . . . Not only does this offend against the orientation of the human intellect to the truth. It is, more fundamentally, a sin against charity"

Pinaalalahanan din tayo ng CBCP hinggil sa ating mga moral na obligasyon bilang mga Katolikong Cristiano:

    Our Catholic faith obliges us:
  1. To refrain from patronizing, popularizing and supporting identified sources of "alternative facts" or "fake news".
  2. To rebut and refute falsehood whenever they are in possession of facts and of data.
  3. To refuse to be themselves purveyors of fake news and to desist from disseminating this whether on social media or by word of mouth or through any other form of public expression.
  4. To identify the sources of fake news so that our brothers and sisters may be duly alerted and may know which media and which sites to shun.

Alinsunod sa patnubay na ito ng naturang liham pastoral, tunghayan natin ngayon ang ilan sa mga nakita kong "tsismis" na may kinalaman sa paksa ng mga banal na imahen, at bigyang-linaw ang mga ito upang sila'y di na makapinsala pa sa lipunan at magdulot ng ikapagkakasala ng tao.


1. Ang Sinaunang Rebulto ni San Pedro sa Antioquia?

Noong nakaraang taon, kumalat ang ganitong post sa Facebook kalakip ang isang larawan:


This is the Cave Church of St.Peter in Antioch, the oldest Church in the world..
The interior of grotto church is austere and simple.The only permanent furnishings are small ALTAR, SINGLE STATUE, & a stone throne. This Cave Church had been built by Apostle Peter and Apostle Paul themselves around 40 AD during their first missionary trips in Antioch before they proceeded to Rome.
Along with Apostle John, St.Peter and Paul had established the See of Antioch, one of the most important see of Christianity.
As we all know that the followers of Christ were called Christians in Antioch on Acts 11:26(based on chronology it was dated around 47 AD). And these Christians were Apostle Peter, Paul, John, Ignatius and Polycarp...
Apostle Peter, Paul & John had decided to ordain St.Ignatius to be the Bishop of Antioch to replace Evodius...
And this intimate friends of the 3 Apostles, St.Ignatius surnamed as Theophorus( means heavenly or divine person) was a strong and valiant soldier who intrepedly rebuked Emperor Domitian, the pagan emperor & persecutor..
He was the one who called the Early Christians in Antioch a Catholic in his letter to the Smyrneans in which St.Polycarp served as Bishop there.
Once again, this is the interior of the Cave Church of St.Peter in Antioch which build by Peter and Paul themselves with small ALTAR and SINGLE STATUE, this is the oldest Christian Church in the world.
The Christians(Acts 11:26/47 AD)in Antioch were called Catholic in Antioch...
A clear evidence that the Apostles are Catholics..

Maraming sinasabi sa post na ito, subalit ang pagtuunan natin ng pansin ay ang karaniwang argumentong ginagawa gamit ang di-umano'y sinaunang rebulto ni San Pedro. Anila,

  1. Ang Hatay St. Pierre Kilisesi (St Pierre Church of Hatay) na matatagpuan sa Antakya, Turkey ay itinayo nina San Pedro at San Pablo.
  2. Ang naturang simbahan ay may altar, estatwa, at batong luklukan.
  3. Samakatuwid, ang pagkakaroon ng mga estatwa sa loob ng simbahan ay nagsimula mismo sa mga Apostol.

Hindi naman maikakaila na ang naturang simbahan ay kabilang sa mga pinakamatandang simbahan sa Cristianismo, subalit ang paniniwala na ito'y itinayo mismo nina San Pedro at San Pablo ay walang matibay na ebidensya.1 Ang altar, estatwa, at batong luklukan ay hindi naman buhat noong unang siglo kundi idinagdag lamang sa pagdaan ng panahon, partikular nang ito'y mapunta sa pangangasiwa ng Simbahang Katolika noong ika-19 na siglo.2

Ang mga pagtuligsa sa mga banal na imahen ay mabisang tinutugon ng mga katuruan ng Second Council of Nicaea, Council of Trent, at Second Vatican Council. Sa mga katuruang ito ng Mahisteryo dapat nakasandig ang lahat ng mga pagtatanggol na ginagawa hinggil sa mga banal na imahen sa Simbahan. Hindi tamang magsasangkalan tayo ng mga mali o kaduda-dudang impormasyon hinggil sa isang sinaunang simbahan. Hindi tamang magiimbento tayo ng kwento tungkol sa mga sinaunang rebulto para palitawing ang mga Apostol mismo ay gumawa ng mga rebulto. Walang kabuluhan, bagkus ay maituturing pa ngang kasalanan, ang apolohetikang batay sa kasinungalingan.


2. Ang Di-mapasubaliang Milagro ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Las Lajas?

Sa National Shrine Basilica of Our Lady of Las Lajas (Ipiales, Nariño, Colombia) matatagpuan ang isang kataka-takang imahen ng Mahal na Birhen. Pinaniniwalaan na ito'y mahimalang "naimprenta" sa bato, at nang ito'y siyasatin ng mga siyentista'y wala silang masumpungang siyentipikong paliwanag. Pare-pareho ang mga impormasyong makikita mo sa internet:

  • "After German geologists bored core samples from several spots in the image, they determined there was no paint, no dye, or any other pigment on the surface of the rock; the colors are the colors of the rock itself, and they penetrate into the rock evenly for several feet!" [https://www.americaneedsfatima.org/Our-Blessed-Mother/our-lady-of-las-lajas-a-continuous-miracle.html]
  • "It is not painted, but mysteriously imprinted in the rock. The colors are not applied in a surface layer of paint or other material, but penetrate deep into the rock. No one knows how the work was done. Certainly it has no natural geological cause." [https://www.traditioninaction.org/SOD/j145sdLasLajas_8-16.htm]
  • "The great lasting miracle is of course the inexplicable image on the walls of the cave. Testing has shown the image to be of indeterminate origin. Geologists from Germany bored core samples from several spots in the image. There is no paint, no dye, nor any other pigment on the surface of the rock. The colors are the colors of the rock itself and run uniformly to adepth of several feet." [http://miraclehunter.com/marian_apparitions/approved_apparitions/guaitara/index.html]
  • "In 1754, an event took place in Colombia that continues to baffle geologists and other scientists. This event was the miraculous appearance of the image of Our Lady of Las Lajas (Our Lady of the Rocks) . . . . After extensive investigations, civil authorities and scientists determined that the scene was not a painting at all. The image is miraculously part of the rock itself! Geologists have since bored core samples from several places in the rock and discovered that there is no paint, dye, or pigment on the surface of the rock. The colors of the mysterious image are the colors of the rock itself and extend several feet deep inside the rock!" [https://catholicexchange.com/miraculous-image-lady-las-lajas]
  • "...the phenomenal, earth-shattering, rock-solid proof of the Faith that is the portrait of Our Lady of Las Lajas . . . . This is not like Our Lady of Fatima, where only the message remains but no physical miracle still exists. The image of Our Lady of Las Lajas is rock solid! And no amount of time will erase it . . . . This image is composed of the rock of the grotto itself! It is not just some surface rock discoloration, but the rock itself is pigmented feet deep, into the heart of the mountain itself. Cores have been taken." [https://www.churchmilitant.com/news/article/our-lady-of-las-lajas-miracle-imprinted-in-stone]
  • "This image, known as Our Lady of Las Lajas, is clearly of miraculous origin. The colors have not lost any of their brilliance over the centuries, and they are not a paint or coloring that has been applied to the surface of the stone. Geological samples collected have proven that the color actually permeates the rock, for, as impossible as it may sound, the colors of the image are perfectly evenly distributed and reach several feet into the face of the cliff. Scientists cannot explain it, while those who hate God deny the obvious and attempt to distort the truth of its miraculous origin." [https://www.roman-catholic-saints.com/our-lady-of-las-lajas.html]
  • "Tests done when the church was built show how stupendous this image actually is. Geologists from Germany bored core samples from several spots in the image. There is no paint, no dye, nor any other pigment on the surface of the rock. No brush strokes are visible despite meticulous inspections. The colors are the colors of the rock itself. Even more incredible, the rock is perfectly colored to a depth of several feet!" [http://www.divinemysteries.info/our-lady-of-las-lajas-colombia-1754]

Sa harap ng napakaraming mga nagpapatotoo, sino ba namang matinong Katoliko ang di maniniwala sa naturang milagro, hindi ba? Isang banal na imahen na milagrosong naimprenta sa bato, at hanggang ngayo'y nananatiling palaisipan sa mga siyentistang pinag-aralan ito! Subalit may isang malaking problema sa kagila-gilalas na kwentong ito: ito'y walang batayan. Sa pitong website na aking sinipi, wala ni isa ang nagbibigay ng mga sumusunod na impormasyon:

  • pangalan ng mga "German geologists", "civil authorities", at iba pang "scientists" na nagsagawa ng "malawak na pagsisiyasat" sa imahen
  • ang petsa kung kailan isinagawa ang mga naturang pagsisiyasat
  • detalyadong pag-uulat hinggil sa mga isinagawang pagsisiyasat (mga larawan ng mga kinuha at pinagkuhanan ng mga "samples", saang mga laboratoryo o siyentipikong pasilidad dinala ang mga "samples", ang mismong scientific paper na naglalahad ng mga eksperimentong isinagawa at ang naging konklusyon ng pag-aaral, atbp.)

Hindi mo masusumpungan sa internet ang mga naturang impormasyon. Wala ring nababanggit na libro na maaaring naglalaman ng mga ito. Walang opisyal na dokumento mula sa Holy See o kahit mula sa diyosesis na may sakop sa naturang shrine. Kung babalikan ang mga binanggit kong website sa itaas, mapapansing ang ilan pa sa kanila'y ginawa lamang reperensya ang isa't isa. Paano nila nasabing ang imahen ng Birhen ng Las Lajas ay sinuri ng mga siyentista, kung wala naman silang maipakitang impormasyon hinggil sa mga nasabing siyentista? At kung walang impormasyong maipapakita, tama ba na ipangalandakan mo sa internet na may isang kagila-gilalas na milagrong gumimbal sa mga eksperto, at nagsisilbing "katibayan" ng ating Pananampalatayang Katolika? Habang walang masama na maniwalang isa nga itong milagrosong imahen,3 sa aking palagay, masama na sabihin mong dumaan ito sa siyentipikong pagsisiyasat kahit wala ka namang batayan para masabing may nangyari ngang ganoon.


3. Ang Pinakamatibay na Ebidensya ng Idolatria?

Hindi na bago sa atin ang bintang ng mga anti-Katoliko na tayo'y nagkakasala ng idolatria: na di-umano, sinasamba daw natin ang mga Santo at Santa, ang mga imahen, at mga relikya. Pinagtatakpan lamang daw ito ng Simbahan, subalit bistadong pormal na itinuturo dahil sa isang nailathalang katesismo noong 1959, sa librong may pamagat na "Catechism Of Christian Doctrine, No. 3, In Conformity with the Decrees of the Plenary Council and the Code of 1918" na inilimbag ng "De La Salle College". Matatagpuan sa internet ang tanging tatlong imahen ng naturang libro. Makikita sa pahina 96 ang di-umano'y "pinakamatibay na ebidensya" na ipinasasamba daw ng Simbahang Katolika ang mga Santo at ang mga imahen at relikya.

Anu-ano ang mga maaari nating masapantaha batay sa mga larawang ito?

  1. Batay sa pamagat, sa petsa ng pagkakalimbag, at sa maikling paliwanag sa prepasyo nito, ang naturang katesismo ay may dalawang pangunahing pinagbabatayan: (a) ang 1885 Baltimore Catechism at ang (b) 1917 Code of Canon Law (na naging epektibo noong 1918). Ibig sabihin, kung isa kang katekista at ibig mong maayos na maituturo sa mga mag-aaral ang naturang katesismo, hindi mo kakaligtaang sumangguni sa dalawang mga batayan na nabanggit. Sa mga naturang batayan matatagpuan ang kumpleto at mas malinaw na pagpapaliwanag. Hangal at napaghahalataang may masamang motibo ang sinomang Katoliko (at anti-Katoliko) na ipagpipilitang hindi niya kailangan ang 1885 Baltimore Catechism at ang 1917 Code of Canon Law para sa wastong pagbibigay-kahulugan ng ating pinaguusapang katesismo.
  2. Ang pamagat ng katesismong ito ay halos walang ipinagkaiba sa pamagat ng katesismo ng Baltimore (na may apat na serye): "A Catechism of Christian Doctrine: Prepared And Enjoined By Order Of The Third Plenary Council Of Baltimore", at tahasan pang sinabi sa prepasyo na ito'y isang abridgment (alalaong-baga'y pinaikling bersyon) ng "Catechism No. 4" at development (alalaong-baga'y nagbibigay ng karagdagang impormasyon) ng "Catechism No. 2". Tila ba isa itong "Pinoy version" ng Baltimore Catechism na ginawa lang ng De La Salle College para sa mga estudyante nito. (gaya ng mga textbook ng "Filipino Christian Living" na inililimbag ng University of Perpetual Help System)
  3. Ito'y isang katesismong hindi mo matagpuan kahit saan: wala sa internet,4 wala sa mga bookstores, wala sa mga silid-aklatan ng mga parokya at mga Katolikong paaralan. Ito ba'y minsan lamang nalimbag at agad natigil? Ito ba'y eksklusibo lamang na ginamit sa De La Salle College? Totoo bang umiral ang librong ito, o isang kathang-isip na katesismong buong katusuhang inimbento lamang ng mga anti-Katoliko? Paano matututo ng idolatria ang mga Pilipinong Katoliko, kung ang mismong katesismong dapat nagtuturo sa kanila nito ay tila hindi naman umiiral? Hindi kalabisan na ipagpalagay na ito'y imbento lamang ng mga anti-Katoliko, sapagkat walang ibang ebidensyang maipapakita ng pag-iral nito liban sa tatlong larawang ipinakita natin — mga larawang napakadaling maniobrahin, napakadaling imbentuhin.
  4. Makikita sa larawan na sa #3, #9, #10, at #13 ng katesismo na ang "Christian worship" ay ipinatutungkol sa mga Santo at Santa, at sa #13 sinasabing ipinatutungkol din ito sa kanilang mga imahen at relikya. Kung magka-gayon, maituturing na ba itong "katibayan" ng idolatria? Hindi. Nasasaad mismo sa #9 na ang "worship" na nakapatungkol sa mga Santo ay isang "indirect worship" sa Diyos: sinasamba mo sila alang-alang sa Diyos. Subalit anong ibig sabihin nito? Sanguniin natin ngayon ang sinasabi sa katesismo ng Baltimore:
    Q. 1191. How do we show that by honoring the Saints we honor God Himself?
    A. We honor the Saints because they honor God. Therefore, it is for His sake that we honor them, and hence by honoring them we honor Him.

    Q. 1192. Give another reason why we honor God by honoring the Saints.
    A. Another reason why we honor God by honoring the Saints is this: As we honor our country by honoring its heroes, so do we honor our religion by honoring its Saints. By honoring our religion we honor God, who taught it. Therefore, by honoring the Saints we honor God, for love of whom they became religious heroes in their faith.

    Malinaw, kung gayon, na hindi ito isang kaso ng idolatria. Ang sinasabing "pagsamba" sa mga Santo at Santa ay pawang pagpaparangal lamang: pagkilala sa kanila bilang mga bayani ng ating relihiyon. Lalo itong binibigyang-linaw ng 1917 Code of Canon Law:

    "To the most Holy Trinity and to each of its Persons, [and] to Christ the Lord, even under sacramental species, there is owed the worship of latria; to the Blessed Virgin Mary, the cult of hyperdulia [is owed]; and to the others reigning with Christ in heaven, the cult of dulia [is owed]." [Canon 1255 § 1]

    Bilang mga Katolikong Cristiano, batid naman natin ang mga pagkakaiba ng Latria, Hyperdulia, at Dulia. Bagama't parehong tinatawag na "pagsamba", malinaw ang mga pagkakaiba ng tatlo, hindi lamang sa antas ng pagsambang ginagawa kundi sa mismong katangiang-likas ng mga ito. [BASAHIN: "Sinasamba ba natin ang mga Santo at Santa?"]

    Hinggil naman sa "worship" na ipinatutungkol sa mga imahen at relikya, binigyang-linaw din ito ng katesismo ng Baltimore:

    Q. 1207. What veneration does the Church permit us to give to relics?
    A. The Church permits us to give relics a veneration similar to that we give images. We do not venerate the relics for their own sake, but for the sake of the persons they represent. The souls of canonized saints are certainly in heaven, and we are certain that their bodies also will be there. Therefore, we may honor their bodies because they are to be glorified in heaven and were sanctified upon earth.

    Q. 1213. Is it right to show respect to the pictures and images of Christ and His saints?
    A. It is right to show respect to the pictures and images of Christ and His saints, because they are the representations and memorials of them.

    Q. 1215. Is it allowed to pray to the crucifix or to the images and relics of the saints?
    A. It is not allowed to pray to the crucifix or images and relics of the saints, for they have no life, nor power to help us, nor sense to hear us.

    Q. 1216. Why do we pray before the crucifix and the images and relics of the saints?
    A. We pray before the crucifix and the images and relics of the saints because they enliven our devotion by exciting pious affections and desires, and by reminding us of Christ and of the saints, that we may imitate their virtues.

    Muli, malinaw na hindi idolatria ang sinasabing "pagsamba" sa mga imahen at relikya. Hindi rin ito isang kaso ng tuwirang paggalang sa mismong imahen o relikya, kundi isang kaso ng relatibong paggalang lamang. [BASAHIN: "Mga Banal na Imahen: Diyus-diyusan ba?"]

Ngayon, kung may mga anti-Katolikong magsasabi na may kopya sila ng naturang kontrobersyal na katesismo ng De La Salle, hinahamon ko silang ipakita ang mga nalalabing pahina nito, o kung hindi man, yaong mga bahagi na naglalaman ng mga paliwanag hinggil sa Unang Utos. Kung wala silang maipapakita, isa lamang ang ibig sabihin nito: tsismis lang talaga ang katesismong sinisipi nila. Gawa-gawa lamang ito upang palitawing sumasamba sa mga diyus-diyusan ang Simbahang Katolika. Isa pa, hindi ba't napakalaking kabalintunaan na ang isinasangkalan nilang "pinakamatibay na ebidensya" ay isang nawawala at di kilalang katesismo, sa halip na ang gamitin ay ang pandaigdigan at opisyal na katesismo ng Simbahan, ang "Catechism of the Catholic Church"?

•••

Sa pagtalakay ko sa mga naturang "tsismis", huwag naman sanang magalit ang mga kapwa ko Katoliko, at isiping sinisira ko ang kanilang pananampalataya. Huwag din naman sanang magalit ang mga anti-Katoliko, at isiping hindi ko lang matanggap ang "matibay na ebidensya" na hawak nila laban sa atin. Ang sa akin lang, maituturing na "tsismis" ang anumang mga pag-aangking walang sapat na batayan, at maituturing itong kasinungalingan kung may mga umiiral na impormasyong nagpapabulaan sa mga ito. Malinaw naman ang ating katungkulan bilang mga Katolikong Cristiano ayon sa CBCP: To rebut and refute falsehood whenever they are in possession of facts and of data. Batay sa mga "facts" at "data" na nakalap ko, inuudyukan ako ng aking konsensya na pabulaanan ang mga naturang tsismis, panig man ito sa atin o hindi.




  1. "Although there is no concrete data on the exact construction date, the oral tradition, historical events and development process of the city suggest that the building was used since the first Christians in Antakya" [https://whc.unesco.org/en/tentativelists/5613]. "It is safe to conclude that the cave had no connection whatsoever to first century Christians, including the apostle Peter." [https://www.academia.edu/12623139/The_Cave_Church_of_St_Peter_in_Antioch]. [BUMALIK]
  2. Kung titingnan, mahahalata naman sa hitsura pa lang na ang rebulto, altar, at luklukan ay mga bagong dagdag lamang sa simbahan at hindi buhat sa sinaunang panahon. Gayon man, maigi na ring magpakita tayo ng mga reperensya:
    • "In 1856 the French consul of Aleppo got the ownership of the cave. He, in turn, donated it to the Catholic Church. After that, a wooden altar was placed in it, and in 1931 this altar was replaced by one of stone. In 1990 the seat was installed behind it to recall the Chair of St. Peter in Antioch" [https://www.academia.edu/12623139/The_Cave_Church_of_St_Peter_in_Antioch]
    • "The platform of hewn stones, altar and St. Pierre sculpture in a niche belong to recent times." [https://whc.unesco.org/en/tentativelists/5613]
    • "Most likely the altar was bricked in 1931 and the much older plate placed on top . . . . The church was renovated in 1863 by Capuchin Friars on order from Pope Pius IX. They rebuilt the facade and made various changes to the church . . . A marble statue of Saint Peter was placed above the altar in a niche of the cave." [https://www.showcaves.com/english/tr/caves/StPeter.html]
    [BUMALIK]
  3. Hinggil sa mga kwentong may kinalaman sa ating pananampalataya, ganito ang paalaala sa atin ni St. Louis de Montfort:
    "To stories of Holy Scripture we owe Divine faith;
    To stories concerning other than religious subjects, which do not militate against common sense and which are written by trustworthy authors, we pay the tribute of human faith; whereas
    To stories about holy subjects which are told by good authors and are not in the slightest degree contrary to reason, faith or morals (even though they may sometimes deal with happenings which are above the ordinary run of events) we pay the tribute of pious faith."
    (The Secret of the Rosary, The Tenth Rose) [BUMALIK]
  4. Kapag hinanap mo ito sa internet, ang tanging matatagpuan mo ay ang teksto ng orihinal na katesismo ng Baltimore: No. 1, No. 2, No. 3 at No. 4. Mapapansin na sa Catechism No. 2, sa LESSON THIRTY-FIRST, malinaw na hindi sinasambang kapantay ng Diyos ang mga Santo, relikya, at imahen. [BUMALIK]


DISCLAIMER:
Ang iyong mga nabasa ay pawang sariling pagpapaliwanag ko lamang bilang isang indibiduwal na Katolikong layko batay sa aking sariling pagkakaunawa sa mga aral ng Simbahan, at sa gayo'y hindi dapat ituring na opisyal/pormal na kapaliwanagan ng Simbahang Katolika, at hindi rin kumakatawan sa panig ng alinmang samahang pang-Katoliko. — MCJEFF