- Katesismo
- Ang Kredo Niceno
- Ang Kredo ng mga Apostol
- Ang 21 Konsilyo Ekumeniko
- Ang Sampung Utos
- Ang Dalawang Pinakamahalagang Utos
- Ang Limang Utos ng Simbahan
- Ang Mapalad
- Tatlong Antas ng Paggalang
- Ang Pitong Sakramento
- Mga Kaloob ng Espiritu Santo
- Mga Bunga ng Espiritu Santo
- Ang Tatlong Teolohikal na Kabutihang-asal
- Ang Apat na Pangunahing Kabutihang-asal
- Ang Tatlong Payong Ebangheliko
- Ang Pitong Kawanggawang Pangkaluluwa
- Ang Pitong Kawanggawang Pangkatawan
- Ang Pitong Pangunahing Kasalanan
- Ang Apat na Kasalanang Sumisigaw sa Langit
- Ang Siyam na Paraan ng Pakikipagtulungan sa mga Kasalanan ng Ibang Tao
- Ang Anim na Kasalanan Laban sa Espiritu Santo
- Ang Apat na Tatak ng Tunay na Simbahan
- Ang Tatlong Katangian ng Simbahan
- Ang Tatlong Estado ng Simbahan
- Ang Apat na Huling mga Bagay
- Ang Bibliang pang-Katoliko
- Ang Wastong Pagbibigay-kahulugan sa Biblia
- Mga Di-Katoliko
Katesismo
Ang kalipunan ng mga doktrinang Katoliko ay matatagpuan sa librong Catechism of the Catholic Church (CCC), at ang buod naman ng aklat na ito ay ang Compendium of the Catechism of the Catholic Church (CCCC). Gumawa rin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ng pambansang katesismo na ibinatay sa Catechism of the Catholic Church upang ma-iangkop sa natatanging kalalagayan nating mga Pilipino, ang Catechism for Filipino Catholics (CFC), na may salin-Filipino na Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko (KPK). Ito'y mga katesismong maaaring matagpuan at mabili sa iba't ibang mga tindahan ng libro sa Pilipinas, anupa't hindi imposible para sa isang Pilipinong Katoliko na makakuha ng kopya ng mga ito. Kaya naman, ang anumang seryosong pag-aaral ng mga katuruan, pamumuhay, at pagsamba ng Simbahang Katolika ay dapat isinasangguni sa mga katesismong ito.
[BUMALIK]
Ang Kredo Niceno
Sumasampalataya ako (Genesis 15: 6) sa iisang Diyos Amang makapangyarihan sa lahat (Malaquias 2: 10; Genesis 28: 3), na may gawa ng langit at lupa (Genesis 1: 1), ng lahat ng nakikita at di nakikita (Colosas 1: 16).
Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Jesu-Cristo (1 Corinto 8: 6), bugtong na Anak ng Diyos (Juan 3: 18). Nagmula sa Ama bago pa nagsimula ang panahon (Juan 1: 1-2, 8: 58), Diyos buhat sa Diyos (Juan 1: 1-2; Filipos 2: 6), liwanag buhat sa liwanag (Juan 1: 9; Hebreo 1: 3), Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo (Juan 17: 3-5; Colosas 1: 19, 2: 9), inianak, hindi nilikha (Hebreo 1: 1-14), kaisa sa pagka-Diyos ng Ama (Juan 10: 30, 38). Na sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat (Juan 1: 3). Na dahil sa ating mga tao at sa ating kaligtasan (Juan 3: 16; Galacia 4: 4-5) ay nanaog buhat sa langit (Juan 3: 13): Nagkatawang-tao siya (Juan 1: 14; 1 Juan 4: 2) lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhen (Lucas 1: 26-45) at naging tao (Hebreo 2: 14-18).
Ipinako sa krus dahil sa atin (1 Corinto 1: 23), nagpakasakit sa ilalim ng kapangyarihan ni Poncio Pilato (Juan 19: 1-16), namatay (Juan 19: 30-37) at inilibing (Juan 19: 38-42).
At muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon sa Kasulatan (1 Corinto 15: 1-8); umakyat sa langit (Gawa 1: 9-11), naluluklok sa kanan ng Ama (Gawa 7: 55; Colosas 3: 1). At pariritong muli puspos ng kaluwalhatian (Mateo 24: 30) upang hukuman ang mga buhay at mga patay (2 Timoteo 4: 1), na ang kaharian niya'y walang hanggan (Lucas 1: 33).
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo (Mateo 28: 19), Panginoon (2 Corinto 3: 17-18) at nagbibigay buhay (Roma 8: 9-11): Na nanggagaling ng Ama at ng Anak (Juan 15: 26): Na sinasamba at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak (Hebreo 3: 8-11; 1 Corinto 6: 19-20; 2 Corinto 13: 13): Na nagsalita sa pamamagitan ng mga Propeta (2 Pedro 1: 21).
Sumasampalataya ako sa iisa (Roma 12: 5), banal (Efeso 5: 25-27), katolika (Mateo 28: 18-20; Roma 1: 8, 16: 16), at apostolikang (Efeso 2: 20) Simbahan (Mateo 16: 18-19). At sa iisang binyag (Efeso 4: 5) sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan (Gawa 2: 38). At hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay (1 Corinto 15: 51-58) at ang buhay na walang hanggan (Juan 3: 16). Amen.
[BUMALIK]
Ang Kredo ng mga Apostol
Sumasampalataya ako sa Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo. Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato. Ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao (1 Pedro 3: 18-20). Nang may ikatlong araw ay nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo.
Sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal (1 Corinto 12: 12-27).
Sa kapatawaran ng mga kasalanan (Juan 20: 22-23).
Sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao.
At sa buhay na walang hanggan. Amen.
[BUMALIK]
Ang 21 Konsilyo Ekumeniko
(Gawa 15: 6, 28)- First Council of Nicaea (325 A.D.)
- First Council of Constantinople (381 A.D.)
- Council of Ephesus (431 A.D.)
- Council of Chalcedon (451 A.D.)
- Second Council of Constantinople (553 A.D.)
- Third Council of Constantinople (680 A.D.)
- Second Council of Nicaea (787 A.D.)
- Fourth Council of Constantinople (869 A.D.)
- First Council of the Lateran (1123 A.D.)
- Second Council of the Lateran (1139 A.D.)
- Third Council of the Lateran (1179 A.D.)
- Fourth Council of the Lateran (1215 A.D.)
- First Council of Lyons (1245 A.D.)
- Second Council of Lyons (1274 A.D.)
- Council of Vienne (1311 A.D.)
- Council of Constance (1415 A.D.)
- Council of Florence (1431 A.D.)
- Fifth Council of the Lateran (1512 A.D.)
- Council of Trent (1545 A.D.)
- Bull of the Convocation of the Holy Ecumenical Council of Trent
- Decree Concerning the Opening of the Council
- Decree Concerning the Manner of Living and Other Matters to Be Observed During the Council
- Decree Concerning the Symbol of Faith
- Decree Concerning the Canonical Scriptures
- Decree Concerning Original Sin & Decree Concerning Reform
- Decree Concerning Justification & Decree Concerning Reform
- Decree Concerning the Sacraments & Decree Concerning Reform
- Eighth Session of the Council of Trent
- Ninth Session of the Council of Trent
- Summary Oration
- Decree Concerning the Prorogation of the Session
- Eleventh Session of the Council of Trent
- Twelfth Session of the Council of Trent
- Decree Concerning the Most Holy Sacrament of the Eucharist
- The Most Holy Sacraments of Penance and Extreme Unction
- Fifteenth Session of the Council of Trent
- Sixteenth Session of the Council of Trent
- Seventeenth Session of the Council of Trent
- Eighteenth Session of the Council of Trent
- Nineteenth Session of the Council of Trent
- Twentieth Session of the Council of Trent
- The Doctrine of Communion Under Both Kinds and the Communion of Little Children
- Sacrifice of the Mass
- On The Sacrament Of Order
- The Sacrament Of Matrimony
- Twenty-Fifth Session of the Council of Trent
- Ten Rules Concerning Prohibited Books
- Petition & Bull of Confirmation
- First Council of the Vatican (1869 A.D.)
- Second Council of the Vatican (1962 A.D.)
[BUMALIK]
Ang Sampung Utos
(Deuteronomio 5: 6-21)- Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos maliban sa akin.
(Ang utos na "Huwag mong igagawa ang iyong sarili ng ano mang larawang inanyuan . . . Huwag kang magpapatirapa sa kanila ni sasamba sa kanila" ay hindi maituturing na ikalawang utos, bagkus ay napapaloob sa unang utos, sapagkat anumang imaheng sinasamba ay maliwanag na isang "diyus-diyusan" — "ibang diyos".) - Huwag ninyong babanggitin sa walang kabuluhang usapan ang aking pangalan.
- Ipangilin ninyo ang Araw ng Pamamahinga.
- Igalang ninyo ang inyong ama't ina.
- Huwag kayong papatay.
- Huwag kayong mangangalunya.
- Huwag kayong magnanakaw.
- Huwag kayong sasaksi nang walang katotohanan.
- Huwag ninyong pagnanasaan ang asawa ng inyong kapwa.
- Huwag ninyong pag-iimbutan ang alinmang ari-arian niya.
(Ang ika-siyam at ika-sampung utos ay hindi dapat pinagsasama bilang iisang kautusan, sapagkat ang asawa ay hindi kauri ng mga ari-ariang hayop at mga materyal na bagay; ang asawa ay maliwanag na higit na mahalaga sa mga ari-ariang ito.)
[BUMALIK]
Ang Dalawang Pinakamahalagang Utos
(Marcos 12: 29-31)- Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.
- Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.
[BUMALIK]
Ang Limang Utos ng Simbahan
(Mateo 18: 18)- Magsimba tuwing Linggo at Pistang Pangilin (Sa Simbahang Katolika sa Pilipinas, kabilang dito ang unang araw ng Enero, ang Dakilang Kapistahan ni Maria bilang Ina ng Diyos; ang ika-walo ng Disyembre, ang Dakilang Kapistahan ng Imakulada Konsepsyon; at ang ika-25 ng Disyembre,1 ang Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni Cristo).
- Mangumpisal minsan man lamang sa isang taon.
- Tumanggap ng Komunyon minsan man lamang sa isang taon, lalo na sa Panahon ng Muling Pagkabuhay.
- Mag-ayuno (minsan lamang sa isang araw kakain nang sapat) at huwag kumain ng lamang-kati (karne ng hayop na lumalakad sa lupa) sa mga araw na itinakda ng Simbahan.
- Tumulong sa mga pangangailangan ng Simbahan ayon sa mga pamamaraang itinakda/pinahintulutan ng Simbahan.
May karagdagan ding ika-anim na utos (lima pa rin ang bilang kung pagsasamahin ang ikalawa at ikatlo):
- Magpakasal ayon sa batas na itinakda ng Simbahan.
(Ayon sa Catechism of St. Pope Pius X, Question 22-26, ang kasal sa huwes ay isa lamang kontratang sibil, hindi isang Sakramento, kaya't hindi totoong Kasal: silang mga mag-asawang nagsasama sa bisa lamang ng kasal sa huwes ay nagkakasala ng pangangalunya. Wala ring bisa sa mata ng Diyos ang diborsyo, sapagkat ang isang tunay na Kasal ay panghabambuhay.)
[BUMALIK]
Ang Mapalad
(Mateo 5: 3-12)- Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian. - Mapalad ang mga nahahapis,
sapagkat aaliwin sila ng Diyos. - Mapalad ang mga mapagpakumbaba,
sapagkat mamanahin nila ang lupa. - Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran,
sapagkat sila'y bubusugin. - Mapalad ang mga mahabagin,
sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. - Mapalad ang mga may malinis na puso,
sapagkat makikita nila ang Diyos. - Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo,
sapagkat sila'y ituturing ng Diyos na mga anak niya. - Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.
Mapalad kayo kapag dahil sa aki'y inaalimura kayo ng mga tao,
pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan.
Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.
[BUMALIK]
Tatlong Antas ng Paggalang
- Dulia pagpaparangal ukol sa mga Santo at Santa sa Langit. (Ecclesiastico 44)
- Hyperdulia natatanging pagpaparangal kay Maria bilang Ina ng Diyos, pinakadakila sa lahat ng mga Santo at Santa. (Lucas 1: 46-49)
- Latria kataas-taasang pagsamba at lubusang pagpapasakop na ukol lamang sa Diyos. (Pahayag 5: 13-14)
[BUMALIK]
Ang Pitong Sakramento
- Mga Sakramento ng Panimulang Pagpasok:
- Binyag/Bautismo (Mateo 28: 19; Marcos 16: 16)
[Salitang-hiram lamang ang "bautismo"; "binyag" ang katumbas sa lumang Tagalog para sa marituwal-na-paghuhugas (ablution).] - Kumpil (Gawa 19: 1-6)
- Eukaristiya (1 Corinto 11: 23-29) Mga Sakramento ng Paglulunas:
- Kumpisal/Pakikipagkasundo (Juan 20: 22-23)
- Pagpapahid ng Langis sa Maysakit (Marcos 6: 13; Santiago 5: 14-15) Mga Sakramento ukol sa Paglilingkod:
- Banal na Orden (Gawa 6: 6, 13: 1-3, 14: 22)
- tatlong bahagdan:
- Episkopado
- Presbiterado
- Diakonado
- Kasal/Matrimonyo (Mateo 19: 3-9; Efeso 5: 21-33)
[BUMALIK]
Mga Kaloob ng Espiritu Santo
(Isaias 11: 2)- Karunungan (pagpapahalaga sa mga bagay na banal, mabuti, maka-Diyos)
- Pagkaunawa (pagka-unawa sa mga katotohanan ng pananampalataya)
- Kahatulan (pagpapasya nang ayon sa kalooban ng Diyos)
- Lakas ng Loob (paninindigan na tuparin ang kalooban ng Diyos)
- Kaalaman (kakayahang matukoy kung ano ang makabubuti o makasasama)
- Kabanalan (lubos at mapagpakumbabang pagtitiwala sa Diyos)
- Takot sa Diyos (pagkilala sa Diyos bilang makatarungang hukom)
[BUMALIK]
Mga Bunga ng Espiritu Santo
(Galacia 5: 22-23)- Pag-ibig (pagmamalasakit sa kapwa alang-alang kay Cristo)
- Galak (masayahin at nagdudulot ng tuwa sa kapwa)
- Kapayapaan (kapayapaan ng kalooban kahit sa panahon ng kagipitan)
- Pagtitiis (matiisin sa mga kasamaan ng ibang tao)
- Kagandahang-loob (mabait at maunawain sa kanyang kapwa, lalo na sa mga nangangailangan)
- Kabaitan (paninindigan at pagtitiyaga sa kung ano ang mabuti)
- Pagtitiwala (matiyagang pagbabata ng mga pagdurusa at mga di kaiga-igayang bagay sa mundo)
- Kaamuan (kahinahunan at kababaang-loob sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin)
- Katapatan (tapat at hayagang pagsasabuhay ng kanyang pagiging Cristiano)
- Pagtitimpi (pag-iingat sa mga sinasabi at ikinikilos upang ang kapwa ay hindi mapahamak kundi mapabuti)
- Pagpigil sa Sarili (pamumuhay nang ayon sa dikta ng katuwiran at pananampalataya, hindi sa damdamin o pagnanasa)
- Kalinisan (paggalang sa tunay na kahulugan at layunin ng pagtatalik)
[BUMALIK]
Ang Tatlong Teolohikal na Kabutihang-asal
(1 Corinto 13: 13)- Pananampalataya
- Pag-asa
- Pag-ibig
[BUMALIK]
Ang Apat na Pangunahing Kabutihang-asal
(Karunungan ni Solomon 8: 7)- Pagtitimpi
- Pangunawa
- Katarungan
- Tibay ng Loob
[BUMALIK]
Ang Tatlong Payong Ebangheliko
- Karalitaan (Mateo 19: 21)
- Kalinisan (Mateo 19: 12)
- Pagtalima (Hebreo 13: 17)
[BUMALIK]
Ang Pitong Kawanggawang Pangkaluluwa
- Paalalahanan ang makasalanan (Lucas 15: 7)
- Turuan ang walang nalalaman (Marcos 16: 1)
- Pagpayuhan ang nag-aalinlangan (Juan 14: 27)
- Aliwin ang nalulungkot (Mateo 11: 28)
- Pagtiisan ang mga pasakit na dulot ng iba (Lucas 6: 27-28)
- Patawarin ang nagkakasala (Mateo 6: 12)
- Ipanalangin ang mga buhay at patay (2 Macabeo 12: 38-45)
[BUMALIK]
Ang Pitong Kawanggawang Pangkatawan
(Isaias 58: 6-7; Mateo 25: 31-46; Tobit 1: 17-19)- Pakainin ang nagugutom
- Painumin ang nauuhaw
- Bigyan ng damit ang hubad
- Dalawin ang nakabilanggo
- Kupkupin/pasilungin ang walang matuluyan
- Dalawin/alagaan ang maysakit
- Ilibing ang patay
[BUMALIK]
Ang Pitong Pangunahing Kasalanan
(Kawikaan 6: 16-19; 1 Corinto 6: 9-10; Galacia 5: 19-21; 1 Juan 2: 16, 5: 16)- Kapalaluan (pride)
- Kasakiman (greed)
- Inggit (envy)
- Poot (anger)
- Kahalayan (lust)
- Katakawan (gluttony)
- Katamaran (sloth)
[BUMALIK]
Ang Apat na Kasalanang Sumisigaw sa Langit
- Ang kusa't di makatarungang pagpatay sa kapwa tao (Genesis 4: 10; Mateo 26: 52)
- Ang pakikiapid ng lalaki sa kapwa lalaki, at iba pang mga anyo ng kahalayan (Genesis 19: 13; Roma 1: 26-27)
- Ang pagpapasakit sa mga dukha, ulila, at balo. (Exodo 22: 21; Isaias 1: 2)
- Ang panggigipit at kawalang-katarungan sa mga manggagawa (Santiago 5: 4)
[BUMALIK]
Ang Siyam na Paraan ng Pakikipagtulungan sa mga Kasalanan ng Ibang Tao
- Pakikilahok
- Pag-uutos
- Pagpapayo
- Pagpupuri
- Pagsang-ayon
- Pagtatago
- Panunulsol
- Pananahimik
- Pagtatanggol
[BUMALIK]
Ang Anim na Kasalanan Laban sa Espiritu Santo
- Pag-aabuso sa Pag-ibig ng Diyos
- Kawalang pag-asa
- Pagtutol sa lantad na katotohanan
- Pagkainggit sa espirituwal na kabutihan ng iba
- Katigasan ng ulo sa kasalanan
- Hindi pagsisisi sa kahuli-hulihang sandali
[BUMALIK]
Ang Apat na Tatak ng Tunay na Simbahan
- iisa (unity) (Juan 17: 21-23; Galacia 3: 27-28; Efeso 1: 9-10, 2: 11-22, 4: 4; Colosas 3: 15)
- banal (sanctity) (Efeso 1: 22, 5: 27; 1 Pedro 2: 9)
- katolika (catholicity) (Mateo 28: 19; Marcos 16: 15; Lucas 24: 47; Roma 10: 12-13)
- apostolika (apostolicity) (1 Corinto 12: 28; Efeso 2: 19-20; Pahayag 21: 14)
[BUMALIK]
Ang Tatlong Katangian ng Simbahan
- kapangyarihan (authority) (Mateo 18: 18; Marcos 16: 15-16; Tito 2: 15; Hebreo 13: 17; 1 Juan 4: 6)
- kawalang-kamalian (infallibility) (1 Timoteo 3: 15; Efeso 4: 14; Juan 14: 16-17; Gawa 15: 28)
- panghabang-panahon (indefectibility) (Mateo 16: 18; Efeso 3: 21; Pahayag 20: 7-10; Lucas 10: 19; Roma 16: 20)
[BUMALIK]
Ang Tatlong Estado ng Simbahan
(Filipos 2: 10; Pahayag 5: 3)- Simbahang Naglalakbay (sa daigdig)
- Simbahang Nililinis (sa Purgatoryo)
- Simbahang Nagtagumpay (sa Langit)
[BUMALIK]
Ang Apat na Huling mga Bagay
(Lucas 16: 19-31; Hebreo 9: 27; Lucas 23: 43; Mateo 25: 41)- Kamatayan
- Paghuhukom
- Langit
- Impiyerno
[BUMALIK]
Ang Bibliang pang-Katoliko
Ang "Bibliang pang-Katoliko" na naaangkop gamitin sa mga pagninilay, pag-aaral, at pananalangin ay yaong:
- Kalipunan ng mga kasulatang kinasihan ng Diyos ("hiningahan ng Diyos", sa literal na kahulugan): "Pumili ang Diyos ng ilang mga tao na bilang mga tunay na manunulat ay gumamit ng kanilang mga kakayahan at talino samantalang pinatnubayan sila ng Espiritu Santo na nagpalinaw sa kanilang mga isipan at nagpakilos ng kanilang mga kalooban upang kanilang maisulat ang anumang nais ng Diyos na masulat." (KPK 85)
- Binubuo ng 46 na aklat ng Matandang Tipan at ng 27 na aklat ng Bagong Tipan, ayon sa itinakdang Kanon. (KPK 88)
- Isinalin-wika at inilathala nang may pahintulot ng Sede Apostolika o ng Kapulungan ng mga Obispo, at nagtataglay ng mga mahahalaga at sapat na pagpapaliwanag sa teksto, o di kaya'y mga bersyon ng mga Kasulatan na inihanda katuwang ng mga di-Katoliko, at naglagay ng mga naaangkop na pagpapaliwanag sa teksto. (CCL 825 § 1-2)
- Magandang Balita Biblia: May Deuterocanonico
- Biblia ng Sambayanang Pilipino: Katolikong Edisyong Pastoral
- Ang Banal na Biblia, salin ni Msgr. Jose C. Abriol, D.P.
- Pinoy Version: Catholic Edition ("Ang Bible")
- New American Bible
- Jerusalem Bible
- Confraternity Bible
- Christian Community Bible: Catholic Pastoral Edition
- Revised Standard Version: Catholic Edition (1st & 2nd Edition)
- New Revised Standard Version: Catholic Edition
- Alba House Gospels: So You May Believe
Sa mga Bibliang wala sa listahan, laging hanapin kung ito ba'y may Imprimatur at/o Nihil Obstat, na matatagpuan sa mga pambungad na pahina mga katibayan na ang naturang edisyon ng Biblia ay may pahintulot ng Simbahan, at "ligtas" gamitin ng isang Katoliko.
[BUMALIK]
Ang Wastong Pagbibigay-kahulugan sa Biblia
Paano ipinaliliwanag ng mga Katoliko ang kahulugan ng Kasulatan?
Sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng Banal na Kasulatan, hinahanap natin: (1) ang pakahulugan ng taong sumulat; (2) ang buod ng teksto kaugnay ng buong Biblia; (3) na napapaloob sa ating sariling paghahanap ng kahulugan; (4) sa ilalim ng patnubay ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng matapat na pagbibigay-kahulugan ng Mahisteryo, ang nagtuturong Simbahan. [KPK 111]
- Ang pakahulugan ng taong sumulat "hanapin kung ano ang nasa isip ng kinasihang manunulat . . . Nangangailangan ito ng ilang pangunahing kaalaman tungkol sa mga panlipunan, pangkalakalan at pangrelihiyong kalagayan ng mga manunulat sa kanilang natatanging makasaysayang kalagayan." (KPK 93)
- Ang buod ng teksto kaugnay ng buong Biblia "Kailangan nating tingnan ang kanyang kaanyuang pampanitikan . . . na ginagamit ng manunulat . . . kailangang tingnan ang teksto sa loob ng kabuuan ng buong Biblia. Binabasa ng mga Kristiyano ang Matanda at Bagong Tipan sa liwanag ng Muling Nabuhay na Kristo na Ipinako. Ang paggamit ng Bagong Tipan sa mga pangyayari, mga tao at bagay mula sa Matandang Tipan bilang mga tipo ay nagbibigay-halimbawa sa masiglang kaisahan ng dalawang Tipan . . . . Malaki ang maitutulong ng kaalaman tungkol sa kasaysayan ng pagpapaliwanag ng teksto, lalo na ang paggamit nito sa liturhiya ng Simbahan." (KPK 94)
- Napapaloob sa ating sariling paghahanap ng kahulugan "ang Biblia ay may dalang sariling kultura ng kahulugan at balangkas ng mga asal na tumutulong upang tayong mga mambabasa ay mahubog, mabago, at magbagong-anyo ayon sa wangis ni Kristo . . . . kailangan nating isaalang-alang ang pagsaksing inialay sa buhay ng mga banal na tao sa Simbahan sa nagdaang mga siglo . . . ang anumang tunay na pakahulugan sa teksto ay kinakailangang karugtong at katugma ng tradisyong ito ng kahulugan, na lumago mula sa bisa ng teksto sa Kristiyanong sambayanan sa loob ng mahabang panahon." (KPK 95)
- Sa ilalim ng patnubay ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng matapat na pagbibigay-kahulugan ng Mahisteryo "sinasaliksik natin ang katotohanang ninanais ipahatid sa atin ng Diyos ngayon sa pamamagitan ng Kasulatan. Ginagabayan tayo rito ng maalab na gampanin ng Simbahan bilang tagapagturo (Mahisteryo)." (KPK 96)
[BUMALIK]
Mga Di-Katoliko
ISKISMATIKO.❖ Silang nabinyagan sa Simbahang Katolika, subalit sumusuway sa Papa at sa mga Obispong nakikiisa sa kanya, bagama't hindi tinatalikuran ang mga pangunahing katuruang Katoliko. EREHE.❖ Silang nabinyagan sa Simbahang Katolika, subalit tinalikuran ang ilan sa mga pangunahing katuruang Katoliko, at nagtataguyod ng mga maling aral. APOSTATA.❖ Silang nabinyagan sa Simbahang Katolika, subalit lubusang tinalikuran ang Cristianong Pananampalataya. (❖ CCL 751) HIWALAY-NA-KAPATID. Silang mga isinilang sa mga iskismatiko o ereheng pamayanan, kaya't napahiwalay sa Simbahang Katolika nang di-sinasadya, at sa gayo'y di nagkakasala ng iskismo o erehiya (CCC 817-819).
Silang mga hiwalay nating kapatid na ang kinabibilangang pamayanan ay may totoong Obispo (sa bisa ng totoong Sakramento ng Banal na Orden) at may totoong mga Sakramento (at sa gayo'y nakapag-diriwang ng totoong Banal na Misa) ay marapat tawaging simbahan, bagama't hindi nakikiisa sa Simbahang Katolika. Subalit silang mga hiwalay nating kapatid na ang kinabibilangang pamayanan ay walang totoong Obispo, at sa gayo'y wala ring totoong kaparian na makapag-diriwang ng totoong Banal na Misa, ay hindi maituturing na simbahan, kundi mga pamayanang eklesyal lamang.2
Sapagkat di-Katoliko, ang isang Katolikong Cristiano ay hindi dapat dumadalo o nakikibahagi sa kanilang mga pagsamba, malibang may pormal na paghahanda at may pahintulot ng Simbahan. Hindi dapat pumapansin o tumatangkalik sa kanilang mga pagtuturo, maging ito may sa radyo, sa telebisyon, sa internet, sa mga babasahin, sa mga pagbabahay-bahay, at sa mga sari-saring panghihikayat na ginagawa sa mga lansangan. Huwag magtatanong sa kanila hinggil sa pananampalataya at moral. Huwag magbibigay ng mga donasyon, malibang may sapat na katibayan na ito'y laan para sa kawanggawa. Huwag makikipag-talo o makikipag-debate sa kanila, malibang may pormal na pagsasanay sa pagtatanggol ng pananampalataya, at may pormal na pahintulot ng Simbahan. "Huwag patuluyin sa bahay at huwag batiin. Ang sino mang bumati sa kanya ay nakikiisa sa masasamang gawain nito" Iyan ang tahasan at mabigat na tagubilin ni Apostol San Juan (2 Juan 1: 10-11).
Narito ang listahan ng ilan sa mga pangunahing di-Katolikong simbahan, pamayanan, o samahan na dapat iwasan, o pakitunguhan nang may matinding pag-iingat:
Mga Di-Katoliko | Kailan Itinatag | Mga Pasimuno |
Eastern Orthodox Church | 1054 | Mga iskismatikong Obispo, sa pangunguna ng Obispo ng Constantinople. Nagbalik-loob sila sa Simbahang Katolika noong 1274 sa pamamagitan ng Second Council of Lyons, subalit kalauna'y napahiwalay ulit. Muli silang nagbalik-loob noong 1439 sa pamamagitan ng Council of Florence, subalit kalauna'y napahiwalay ulit, at pormal na tinutulan ang konseho noong 1472. Noong ika-7 ng Disyembre 1965, sa pangunguna ni Pope Paul VI at ni Ecumenical Patriarch Athenagoras I, pormal na pinawi ng Simbahang Katolika at ng Simbahang Ortodoksa ng Constantinople ang ipinataw na ekskomunikasyon sa isa't-isa, bagama't nananatili pa ring iskismatiko. Nagpapatuloy ang mga diyalogo ng mga teyologo sa magkabilang-panig, sa pag-asang makapag-kakatha ng mabisa at pirmihang batayan ng pagkakasundo. |
Lutheran church (Evangelical church) | 1517 | Martin Luther |
Church of England (Anglican church) | 1534 | King Henry VIII. Ang Episcopalian church ay ang Anglicanism na nakarating sa Estados Unidos noong ika-17 siglo, at may nagsasariling pamamahala. |
Mennonite church | 1537 | Menno Simons |
Presbyterian church | 1560 | John Calvin, John Knox |
Congregationalism | 1582 | Robert Browne |
Baptist church | 1605 | John Smyth, Thomas Helwys |
Religious Society of Friends (Quakerism) | 1652 | George Fox |
Amish | 1693 | Jacob Amman |
Evangelicalism (Born-Again-ism) | 1738 | iba't ibang mga pastor/ministrong Luterano at Metodista |
Methodist church | 1744 | John at Charles Wesley (magkapatid) |
Unitarianism (Essex Street Chapel) | 1774 | Theophilus Lindsey |
Christian church (Disciples of Christ) | 1804 | Thomas at Alexander Campbell (mag-ama), at iba pang mga Presbiteryanong ministro |
Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (Mormonism) | 1830 | Joseph Smith |
Seventh-day Adventists | 1860 | Joseph Bates, James White, Ellen White |
Salvation Army | 1865 | William Booth |
Old Catholics | 1871 | mga tumutol sa mga katuruan ng First Vatican Council |
Jehovah's Witnesses | 1872 | Charles Taze Russell |
Christian Science church | 1879 | Mary Baker Eddy |
Iglesia Filipina Independiente (Aglipayan) | 1902 | Gregorio Aglipay, Isabelo de los Reyes |
Pentecostalism | 1906 | C.F. Parham, William Seymour, A.J.Tomlinson |
Assemblies of God | 1914 | mga Pentekostal na pastor/ministro |
Iglesia ni Cristo | 1914 | Felix Manalo-Ysagun |
Foursquare Gospel | 1918 | Aimee Semple McPherson |
Iglesia Watawat ng Lahi, Inc. | 1936 | Luis Fabrigar, Jose Valincunoza |
Holy Spirit Association for the Unification of World Christianity (Unification church) | 1954 | Sun Myung Moon |
World Mission Society Church of God | 1964 | Ahn Sahng-hong |
Congregation of Mary Immaculate Queen (CMRI) | 1967 | Francis Schuckardt |
Society of Saint Pius X (SSPX) | 1970 | Marcel Lefebvre |
Jesus Miracle Crusade International Ministry (JMCIM) | 1975 | Wilde Almeda |
Jesus is Lord Church Worldwide (JILCW/JIL) | 1978 | Eddie Villanueva |
Members Church of God International (Dating Daan) | 1980 | Eliseo Soriano |
Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc. (Kingdom of Jesus Christ) | 1985 | Apollo Quiboloy |
Apostolic Catholic church | 1992 | John Florentine L. Teruel, Maria Virginia Peñaflor Leonzon |
[BUMALIK]
- Ika-25 ng Disyembre. "Extreme Fundamentalists dispute the choice of December 25, a pagan holiday the Romans marked as birthday of Sol-Invictus. Christmas is logically conjectured however from Scripture: Gabriel appeared to Zechariah during the Feast of Tabernacles the 7th month of Tishri, mid-late September, then six months later to Mary, in March, placing Jesus' birth nine months hence approximately mid-late December. The felicitous coincidental proximity led to the date's Christianisation as was done to Sunday."
(De Vera, Edgardo C. Catholic Soul: Concise Essays in Catholic Apologetics. Quezon City: Shepherd's Voice Publications, Inc., 2005. p.26) [BUMALIK] - Congregation For The Doctrine Of The Faith, "Responses To Some Questions Regarding Certain Aspects Of The Doctrine On The Church", June 29, 2007. [BUMALIK]