"Ipinapahayag ko na ako ay Katoliko at sa relihiyong ito ako iminulat at nag-aral, at dito ko rin nais mabuhay at mamatay. Binabawi ko nang buong puso ang anumang salita, sulat, gawa, at gawi na laban sa katangian ng isang anak ng Simbahan. Ako'y naniniwala at nanunungkulan nang ayon sa itinuturo nito."
JOSE P. RIZAL

MGA SANTO PAPA



Sa paglilista ng mga naging Santo Papa, lantarang nakikita ang isang makasaysayan at makatotohanang pagpapatuloy ng Simbahang nagsimula sa mga Apostol hanggang sa kasalukuyang Simbahang Katolika, taliwas sa mga pag-aangkin ng mga naglilitawang anti-Katolikong pamayanang nagpapatawag na "simbahan", na di-umano'y ipinagpapatuloy daw ang anila'y "orihinal na pananampalataya", subalit wala namang makasaysayang pagkaka-ugnay sa mga Apostol at sa iisang tunay na Simbahang itinatag ng Panginoong Jesu-Cristo.

Apostol San Pedro (33 - 67 A.D.)
Pagdating sa lupain ng Cesarea ng Filipo ay nagtanong siya ng ganito sa kanyang mga alagad, "Sino ba, sang-ayon sa madla, ang Anak ng tao?" Sumagot sila, "May nagsasabing siya ay si Juan Bautista, may nagsasabi namang siya ay si Elias, anang iba ay si Jeremias, o isa sa mga propeta." "Ngunit kayo," ang tanong niya sa kanila, "sino ako sang-ayon sa inyo?" Sumagot si Simon Pedro, "Ikaw ang Cristo, ang anak ng Diyos na buhay." Tinugon siya ni Jesus na ang wika, "Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas, sapagkat hindi ang laman at dugo ang nagpahayag nito sa iyo kundi ang aking Amang nasa langit. Ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at di mananaig sa kanya ang mga pintuan ng impiyerno. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ano man ang talian mo sa lupa ay tatalian din sa langit, at ano man ang kalagan mo sa lupa ay kakalagan din sa langit." — Mateo 16: 13-19 
"Simon, Simon, tingnan mo, masugid kang pinaghahanap ni Satanas upang salain na tulad ng trigo, ngunit idinalangin kita na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; kaya minsan kang magbalik-loob ay pagtibayin mo ang iyong mga kapatid." — Lucas 22: 31-32 
Pagkatapos ng kanilang muling agahan, winika ni Jesus kay Simon Pedro, "Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?" Sumagot siya sa kanya, "Oo, Panginoon, nalalaman mong ikaw ang aking iniibig." Ani Jesus sa kanya, "Pakanin mo ang aking maliliit na tupa." Muling sinabi sa kanya, "Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?" Sumagot siya sa kanya, "Oo, Panginoon, nalalaman mong ikaw ang aking iniibig." Ani Jesus sa kanya, "Pakanin mo ang aking malalaking tupa." Ikatlong sinabi sa kanya, "Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?" Nagdamdam si Pedro sa dahilang sinabi sa kanya nang makaitlo: "Iniibig mo ba ako?" Kaya sinabi niya kay Jesus, "Panginoon, nalalaman mo ang lahat, nalalaman mong iniibig kita." Ani Jesus sa kanya, "Pakanin mo ang aking malalaking tupa." — Juan 21: 15-17 
Ngunit si Pedro ay tumayo, kasama ng labing-isa, at nagsalita nang malakas sa kanila na ang wika, "Mga taga-Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, alamin ninyo at pakinggan ang aking mga sasabihin." . . . . Nang marinig nila ito ay nabagabag ang kanilang kalooban, at winika nila kay Pedro at sa ibang mga apostol, "Mga kapatid, ano ang dapat naming gawin?" Sinagot sila ni Pedro . . . — Mga Gawa 2: 14, 37-38

  • Linus (67- 76)
  • Anacletus (76 - 88)
  • Clement I (88 - 97)
  • Evaristus (97 - 105)
  • Alexander I (105 - 115)
  • Sixtus I (115 - 125)
  • Telesphorus (125 - 136)
  • Hyginus (136 - 140)
  • Pius I (140 - 155)
  • Anicetus (155 - 166)
  • Soter (167 - 175)
  • Eleuterius (175 - 189)
  • Victor I (189 - 199)
  • Zephyrinus (199 - 217)
  • Callistus I (217 - 222)
  • Urban I (222 - 230)
  • Pontian (230 - 235)
  • Anterus (235 - 236)
  • Fabian (236 - 250)
  • Cornelius (251 - 253)
  • Lucius (253 - 254)
  • Stephen I (254 - 257)
  • Sixtus II (257 - 258)
  • Dionysius (259 - 268)
  • Felix I (269 - 274)
  • Eutychian (275 - 283)
  • Caius (283 - 296)
  • Marcellinus (296 - 304)
  • Marcellus I (304 - 309)
  • Eusebius (309 - 311)
  • Melchiades (311 - 314)
  • Sylvester I (314 - 335)
  • Marcus (336)
  • Julius I (337 - 352)
  • Liberius (352 - 366)
  • Damasus I (366 - 384)
  • Siricius (384 - 399)
  • Anastasius I (399 - 401)
  • Innocent I (401 - 417)
  • Zosimus (417 - 418)
  • Boniface I (418 - 422)
  • Celestine I (422 - 432)
  • Sixtus III (432 - 440)
  • Leo I (440 - 461)
  • Hilarius (461 - 468)
  • Simplicius (468 - 483)
  • Felix II (483 - 492)
  • Gelasius I (492 - 496)
  • Anastasius II (496 - 498)
  • Symmachus (498 - 514)
  • Hormisdas (514 - 523)
  • John I (523 - 526)
  • Felix III (526 - 530)
  • Boniface II (530 - 532)
  • John II (533 - 535)
  • Agapitus I (535 - 536)
  • Silverius (536 - 537)
  • Vigilius (537 - 555)
  • Pelagius I (556 - 561)
  • John III (561 - 574)
  • Benedict I (575 - 579)
  • Pelagius II (579 - 590)
  • Gregory I (590 - 604)
  • Sabinianus (604 - 606)
  • Boniface III (607)
  • Boniface IV (608 - 615)
  • Deusdedit (615 - 618)
  • Boniface V (619 - 625)
  • Honorius I (625 - 638)
  • Severinus (638 - 640)
  • John IV (640 - 642)
  • Theodore I (642 - 649)
  • Martin I (649 - 655)
  • Eugene I (655 - 657)
  • Vitalian (657 - 672)
  • Adeodatus (672 - 676)
  • Donus (676 - 678)
  • Agatho (678 - 681)
  • Leo II (682 - 683)
  • Benedict II (684 - 685)
  • John V (685 - 686)
  • Conon (686 - 687)
  • Sergius I (687 - 701)
  • John VI (701 - 705)
  • John VII (705 - 707)
  • Sisinnius (708)
  • Constantine (708 - 715)
  • Gregory II (715 - 731)
  • Gregory III (731 - 741)
  • Zacharias (741 - 752)
  • Stephen II (752 - 757)
  • Paul I (757 - 767)
  • Stephen III (768 - 772)
  • Adrian I (772 - 795)
  • Leo III (795 - 816)
  • Stephen IV (816 - 817)
  • Paschal I (817 - 824)
  • Eugene II (824 - 827)
  • Valentine (827)
  • Gregory IV (827 - 844)
  • Sergius II (844 - 847)
  • Leo IV (847 - 855)
  • Benedict III (855 - 858)
  • Nicholas I (858 - 867)
  • Adrian II (867 - 872)
  • John VIII (872 - 882)
  • Marinus I (882 - 884)
  • Adrian III (884 - 885)
  • Stephen V (885 - 891)
  • Formosus (891 - 896)
  • Boniface VI (896)
  • Stephen VI (896 - 897)
  • Romanus (897)
  • Theodore II (897)
  • John IX (898 - 900)
  • Benedict IV (900 - 903)
  • Leo V (903)
  • Sergius III (904 - 911)
  • Anastasius III (911 - 913)
  • Lando (913 - 914)
  • John X (914 - 928)
  • Leo VI (928)
  • Stephen VII (928 - 931)
  • John XI (931 - 936)
  • Leo VII (936 - 939)
  • Stephen VIII (939 - 942)
  • Marinus II (942 - 946)
  • Agapitus II (946 - 955)
  • John XII (955 - 964)
  • Leo VIII (964 - 965)
  • Benedict V (965)
  • John XIII (965 - 972)
  • Benedict VI (973 - 974)
  • Benedict VII (974 - 983)
  • John XIV (983 - 984)
  • John XV (985 - 996)
  • Gregory V (996 - 999)
  • Sylvester II (999 - 1003)
  • John XVII (1003)
  • John XVIII (1003 - 1009)
  • Sergius IV (1009 - 1012)
  • Benedict VIII (1012 - 1024)
  • John XIX (1024 - 1032)
  • Benedict IX (1032 - 1044; 1045; 1047 - 1048)1
    • Sylvester III (1045)
    • Gregory VI (1045 - 1046)
    • Clement II (1046 - 1047)
  • Damasus II (1048)
  • Leo IX (1049 - 1054)
  • Victor II (1055 - 1057)
  • Stephen IX (1057 - 1058)
  • Nicholas II (1059 - 1061)
  • Alexander II (1061 - 1073)
  • Gregory VII (1073 - 1085)
  • Victor III (1087)
  • Urban II (1088 - 1099)
  • Paschal II (1099 - 1118)
  • Gelasius II (1118 - 1119)
  • Callistus II (1119 - 1124)
  • Honorius II (1124 - 1130)
  • Innocent II (1130 - 1143)
  • Celestine II (1143 - 1144)
  • Lucius II (1144 - 1145)
  • Eugene III (1145 - 1153)
  • Anastasius IV (1153 - 1154)
  • Adrian IV (1154 - 1159)
  • Alexander III (1159 - 1181)
  • Lucius III (1181 - 1185)
  • Urban III (1185 - 1187)
  • Gregory VIII (1187)
  • Clement III (1187 - 1191)
  • Celestine III (1191 - 1198)
  • Innocent III (1198 - 1216)
  • Honorius III (1216 - 1227)
  • Gregory IX (1227 - 1241)
  • Celestine IV (1241)
  • Innocent IV (1243 - 1254)
  • Alexander IV (1254 - 1261)
  • Urban IV (1261 - 1264)
  • Clement IV (1265 - 1268)
  • Gregory X (1271 - 1276)
  • Innocent V (1276)
  • Adrian V (1276)
  • John XXI (1276 - 1277)
  • Nicholas III (1277 - 1280)
  • Martin IV (1281 - 1285)
  • Honorius IV (1285 - 1287)
  • Nicholas IV (1288 - 1291)
  • Celestine V (1294)
  • Boniface VIII (1294 - 1303)
  • Benedict XI (1303 - 1304)
  • Clement V (1305 - 1314)
  • John XXII (1316 - 1334)
  • Benedict XII (1334 - 1342)
  • Clement VI (1342 - 1352)
  • Innocent VI (1352 - 1362)
  • Urban V (1362 - 1370)
  • Gregory XI (1370 - 1378)
  • Urban VI (1378 - 1389)
  • Boniface IX (1389 - 1404)
  • Innocent VII (1404 - 1406)
  • Gregory XII (1406 - 1415)
  • Martin V (1417 - 1431)
  • Eugene IV (1431 - 1447)
  • Nicholas V (1447 - 1455)
  • Callistus III (1455 - 1458)
  • Pius II (1458 - 1464)
  • Paul II (1464 - 1471)
  • Sixtus IV (1471 - 1484)
  • Innocent VIII (1484 - 1492)
  • Alexander VI (1492 - 1503)
  • Pius III (1503)
  • Julius II (1503 - 1513)
  • Leo X (1513 - 1521)
  • Adrian VI (1522 - 1523)
  • Clement VII (1523 - 1534)
  • Paul III (1534 - 1549)
  • Julius III (1550 - 1555)
  • Marcellus II (1555)
  • Paul IV (1555 - 1559)
  • Pius IV (1559 - 1565)
  • Pius V (1566 - 1572)
  • Gregory XIII (1572 - 1585)
  • Sixtus V (1585 - 1590)
  • Urban VII (1590)
  • Gregory XIV (1590 - 1591)
  • Innocent IX (1591)
  • Clement VIII (1592 - 1605)
  • Leo XI (1605)
  • Paul V (1605 - 1621)
  • Gregory XV (1621 - 1623)
  • Urban VIII (1623 - 1644)
  • Innocent X (1644 - 1655)
  • Alexander VII (1655 - 1667)
  • Clement IX (1667 - 1669)
  • Clement X (1670 - 1676)
  • Innocent XI (1676 - 1689)
  • Alexander VIII (1689 - 1691)
  • Innocent XII (1691 - 1700)
  • Clement XI (1700 - 1721)
  • Innocent XIII (1721 - 1724)
  • Benedict XIII (1724 - 1730)
  • Clement XII (1730 - 1740)
  • Benedict XIV (1740 - 1758)
  • Clement XIII (1758 - 1769)
  • Clement XIV (1769 - 1774)
  • Pius VI (1775 - 1799)
  • Pius VII (1800 - 1823)
  • Leo XII (1823 - 1829)
  • Pius VIII (1829 - 1830)
  • Gregory XVI (1831 - 1846)
  • Pius IX (1846 - 1878)
  • Leo XIII (1878 - 1903)
  • Pius X (1903 - 1914)
  • Benedict XV (1914 - 1922)
  • Pius XI (1922 - 1939)
  • Pius XII (1939 - 1958)
  • John XXIII (1958 - 1963)
  • Paul VI (1963 - 1978)
  • John Paul I (1978)
  • John Paul II (1978 - 2005)
  • Benedict XVI (2005 - 2013)
  • Francis (2013 - kasalukuyan)


"Since, however, it would be very tedious, in such a volume as this, to reckon up the successions of all the Churches, we do put to confusion all those who, in whatever manner, whether by an evil self-pleasing, by vainglory, or by blindness and perverse opinion, assemble in unauthorized meetings; [we do this, I say,] by indicating that tradition derived from the apostles, of the very great, the very ancient, and universally known Church founded and organized at Rome by the two most glorious apostles, Peter and Paul; as also [by pointing out] the faith preached to men, which comes down to our time by means of the successions of the bishops. For it is a matter of necessity that every Church should agree with this Church, on account of its preeminent authority."

ST. IRENAEUS (130 - 202 A.D.)
Against Heresies: Book III, Chapter 3




  1. Ang unang panunungkulan ni Pope Benedict IX ay noong ika-21 ng Oktubre 1032 hanggang Setyembre 1044. Dahil sa kanyang masamang pamumuhay, sapilitan siyang pinaalis sa Roma at pinagbitiw sa pagka-Papa, at ipinalit sa kanya si John, Obispo ng Sabina, na gumamit ng pangalang Pope Sylvester III, na nagsimulang manungkulan noong ika-20 ng Enero 1045. Kalaunan, nakabalik sa Roma si Pope Benedict, pinaalis si Pope Sylvester, at muling nanungkulan sa pagka-Papa magmula ika-10 ng Marso hanggang ika-isa ng Mayo 1045. Nagbitiw siya sa katungkulan udyok ng pagnanasang ipagpatuloy ang masamang pamumuhay, at ipinagbili ang kanyang pwesto sa Punong Pari ng Lateran na si John Gratian, na gumamit ng pangalang Pope Gregory VI, at nanungkulang Papa magmula ika-isa ng Mayo 1045 hanggang ika-20 ng Disyembre 1046. Bunsod ng kaguluhang ito ng pagkakaroon ng tatlong Papa, nagpatawag ng konseho si Emperador Henry III. Si Sylvester ay tinanggalan ng lahat ng mga katungkulan at karangalan sa pagka-Obispo at hinatulang habambuhay na manatili sa monasteryo, at sina Benedict at Gregory nama'y sapilitang pinagbitiw sa katungkulan. Saka naman nahalal sa pagka-Papa si Clement II, subalit nang mamatay ito'y muli nanamang nakagawa ng paraan si Benedict IX upang bawiin ang kanyang pwesto, at siya'y nanungkulan magmula ika-walo ng Nobyembre 1047 hanggang ika-16 ng Hulyo 1048. [BUMALIK]