Ang Diyos ay Pag-ibig Kaya Magdusa Ka
Lahat ng tao ay dumaranas ng paghihirap. Magkakaiba man tayo ng pinagdaraanan sa buhay at magkakaiba man tayo ng kakayahang magtiis at makibaka sa mga ito, walang sinuman ang makapagsasabing hindi siya nahihirapan sa buhay niya. Kahit pa ang problemang "mabigat" sa akin ay "magaan" sa pananaw ng iba, hindi naman nagbabago ang katotohanan: ang problema ay problema, ang karamdaman ay karamdaman, ang kahirapan ay kahirapan. Hindi naglalaho ang mga kasamaan sa mundo batay lang sa mga damdamin mo sa mga ito. Sa bandang huli, walang sinumang tao ang makatatakas sa pinakamalaking problema sa lahat—ang kamatayan. Ito ang huli at pinakamalala sa lahat ng mga paghihirap, ang sukdulan at hantungan ng lahat ng mga pagdurusa sa mundong ito. Sa kabila nito'y hindi tayo gaanong nagrereklamo sapagkat bilang mga Katolikong Cristiano batid natin ang pangunahing sagot sa misteryo ng pagdurusa: ang kasalanang-mana ( original sin ). itinuturo ng Simbahan na "sa pagsuway...