Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2025

FEATURED POST

Maria: Iniakyat sa Langit

Ang turo ng Simbahan Sa darating na ika-15 ng Agosto, muli nating ipagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Hindi ito isang paniniwala na naglalayong dakilain ang Ina ni Jesus nang higit sa nararapat, bagkus ito'y isang katotohanan ng pananampalataya na nagbibigay ng karangalan sa Diyos, naaayon sa diwa ng Ebanghelyo, at nakatutulong sa ating paglalakbay sa landas ng kabanalan. Kaya naman, walang pag-aalinlangang ipinahayag ni Pope Pius XII na silang mga itinatanggi o pinagdududahan ang doktrinang ito ay maituturing na "lubusan nang natalikod sa banal na Katolikong Pananampalataya" ( Munificentissimus Deus , 45). Hindi ka tunay na Katoliko kung hindi mo ito lubos na pinaniniwalaan. "Hinirang upang maging Ina ni Jesus na ating Tagapagligtas, si Maria ay ipinaglihi sa sinapupunan ng kanyang ina nang walang bahid-dungis ng kasalanang-mana. Sa kanyang kamatayan, ang kanyang katawan at kaluluwa ay iniakyat sa langit . A...

Babae, Anong Pakialam Ko Sa Iyo?

Imahe
Gerard David creator QS:P170,Q333380 , Gerard David - The Marriage at Cana , Edited using PhotoImpact 12 by McJeff F., CC0 1.0 "At nang ikatlong araw ay nagkaroon ng isang kasalan sa Cana ng Galilea; at naroon ang ina ni Jesus: At inanyayahan din naman si Jesus, at ang kaniyang mga alagad, sa kasalan. At nang magkulang ng alak, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Wala silang alak. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, anong pakialam ko sa iyo? ang aking oras ay hindi pa dumarating. Sinabi ng kaniyang ina sa mga alila, Gawin ninyo ang anomang sa inyo'y kaniyang sabihin." — Juan 2: 1-5 (Ang Biblia, 1982) Ayon sa mga anti-Katoliko, dito raw ay tahasang itinatwa ng Panginoong Jesu-Cristo ang pagka-ina ni Maria, sinaway ito sa paglapit sa Kanya, at saka itinanghal bilang pangkaraniwang babae na walang anumang tanging karapatan at karangalan. Sa gayon, malinaw daw nitong pinabubulaanan ang marubdob na pagdedebosyon kay Maria na ginagawa ng Simbahang Katolika...