Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2024

FEATURED POST

Maria: Iniakyat sa Langit

Ang turo ng Simbahan Sa darating na ika-15 ng Agosto, muli nating ipagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Hindi ito isang paniniwala na naglalayong dakilain ang Ina ni Jesus nang higit sa nararapat, bagkus ito'y isang katotohanan ng pananampalataya na nagbibigay ng karangalan sa Diyos, naaayon sa diwa ng Ebanghelyo, at nakatutulong sa ating paglalakbay sa landas ng kabanalan. Kaya naman, walang pag-aalinlangang ipinahayag ni Pope Pius XII na silang mga itinatanggi o pinagdududahan ang doktrinang ito ay maituturing na "lubusan nang natalikod sa banal na Katolikong Pananampalataya" ( Munificentissimus Deus , 45). Hindi ka tunay na Katoliko kung hindi mo ito lubos na pinaniniwalaan. "Hinirang upang maging Ina ni Jesus na ating Tagapagligtas, si Maria ay ipinaglihi sa sinapupunan ng kanyang ina nang walang bahid-dungis ng kasalanang-mana. Sa kanyang kamatayan, ang kanyang katawan at kaluluwa ay iniakyat sa langit . A...

Mga Kabalbalan ng Wattah Wattah: Kasalanan ba ng Simbahan?

Imahe
AI-generated image Ipinag-utos ba ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na magbasaan ang mga tao tuwing sasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista? Hindi. Bagama't may mga pagtatangkang lapatan ng espirituwal na kahulugan ang naturang kaugalian — na kesyo ito daw ay "simbolismo ng pagbibinyag ni San Juan Bautista kay Hesu Kristo" [ 1 ] — wala namang masusumpungang dokumento eclesiasticong nagtataguyod nito. Wala namang sinabi ang Santo Papa o ang CBCP. Hindi ito isang pormal na kaugalian ng Simbahan, at hindi rin bahagi ng mga itinakdang pamamaraan ng paggunita ng naturang kapistahan. At isa pa, paano naging sagisag ng binyag ang mapaglaro (at kung minsa'y mapanakit) na basaan, gayong ang Sakramento ng Binyag ay isang seryosong rituwal na may kinalaman sa kaligtasan, at kinasasangkutan ng pagpapahayag ng pananampalataya, pagtatakwil sa diyablo, at pagsisisi sa mga kasalanan? Tuwang-tuwa tayo sa paglalaro ng tubig, habang di alintana na ang talagang sinauna...