Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2024

FEATURED POST

Maria: Iniakyat sa Langit

Ang turo ng Simbahan Sa darating na ika-15 ng Agosto, muli nating ipagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Hindi ito isang paniniwala na naglalayong dakilain ang Ina ni Jesus nang higit sa nararapat, bagkus ito'y isang katotohanan ng pananampalataya na nagbibigay ng karangalan sa Diyos, naaayon sa diwa ng Ebanghelyo, at nakatutulong sa ating paglalakbay sa landas ng kabanalan. Kaya naman, walang pag-aalinlangang ipinahayag ni Pope Pius XII na silang mga itinatanggi o pinagdududahan ang doktrinang ito ay maituturing na "lubusan nang natalikod sa banal na Katolikong Pananampalataya" ( Munificentissimus Deus , 45). Hindi ka tunay na Katoliko kung hindi mo ito lubos na pinaniniwalaan. "Hinirang upang maging Ina ni Jesus na ating Tagapagligtas, si Maria ay ipinaglihi sa sinapupunan ng kanyang ina nang walang bahid-dungis ng kasalanang-mana. Sa kanyang kamatayan, ang kanyang katawan at kaluluwa ay iniakyat sa langit . A...

Block Lang Nang Block

Imahe
Image by William Iven from Pixabay Kamakailan ay naging laman na naman ng mga balita si Blessed Carlo Acutis dahil malapit na daw siyang madeklarang isang ganap na santo . Dahil ito sa pagkilala ng Santo Papa sa ikalawang himalang pinaniniwalaang nangyari sa bisa ng kanyang pagpapamagitan. Bilang mga Katoliko, itinuturing natin itong isang napaka-positibong balita, isang tanda na patuloy na pinagpapala ng Diyos ang Simbahang itinatag Niya, sa pamamagitan ng Kaisahan ng mga Banal ( Communion of Saints ) . Subalit sa pananaw ng mga anti-Katoliko, isa itong balitang katawa-tawa at kalibak-libak, anupa't nang magpost sa Facebook ang GMA News hinggil dito , umabot nang mahigit sa 300 katao ang nag-"Haha" (😆), at ang karamihan sa mga komentong masusumpungan ay pawang mga pagtuligsa. Kung iisa-isahin ang mga nag-"Haha" na ito, mapapansing marami sa kanila ay mga kaanib ng sektang Iglesia ni Cristo at mga ateista — magkasing-ugali lang sila! — [ 1 ] a...

Maria: Ina ng Diyos, Ina ng Simbahan

Imahe
REPOSTED : 9:32 PM 5/20/2024   INA NG DIYOS Sa ating pagtawag sa Mahal na Birheng Maria bilang Ina ng Diyos (sa Griyego ay Theotokos na ang kahulugan ay "babaeng-nagsilang-sa-Diyos" — "God-bearer" sa literal na Ingles), HINDI ito nangangahulugan na ipinakikilala rin natin siya bilang: isang Diyosa na nauna pang umiral sa Diyos, isa pang Persona ng Diyos — alalaong-baga'y "Diyos Ina" — kasama ng Ama, Anak, at Espiritu Santo ("Kwatronidad"), ina, hindi lamang ni Jesus, kundi ng buong Santisima Trinidad (Ama, Anak, at Espiritu Santo). Bagkus, ang naturang taguri ay nangangahulugan na — "Ibinibigay ni Maria kay Jesus ang anumang ibinibigay ng ina sa sarili niyang sanggol. Sa pamamagitan niya, si Jesus ay taong totoo. Ang Anak ni Maria at ang Anak ng Diyos ay iisa at parehong persona, Emmanuel . . . . Ipinagkaisa ng Walang-hanggang Anak ng Diyos sa kanyang persona ang sanggol na ipinaglihi ni Maria sa kanyang sinapupun...