Mga Post

FEATURED POST

Maria: Iniakyat sa Langit

Ang turo ng Simbahan Sa darating na ika-15 ng Agosto, muli nating ipagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Hindi ito isang paniniwala na naglalayong dakilain ang Ina ni Jesus nang higit sa nararapat, bagkus ito'y isang katotohanan ng pananampalataya na nagbibigay ng karangalan sa Diyos, naaayon sa diwa ng Ebanghelyo, at nakatutulong sa ating paglalakbay sa landas ng kabanalan. Kaya naman, walang pag-aalinlangang ipinahayag ni Pope Pius XII na silang mga itinatanggi o pinagdududahan ang doktrinang ito ay maituturing na "lubusan nang natalikod sa banal na Katolikong Pananampalataya" ( Munificentissimus Deus , 45). Hindi ka tunay na Katoliko kung hindi mo ito lubos na pinaniniwalaan. "Hinirang upang maging Ina ni Jesus na ating Tagapagligtas, si Maria ay ipinaglihi sa sinapupunan ng kanyang ina nang walang bahid-dungis ng kasalanang-mana. Sa kanyang kamatayan, ang kanyang katawan at kaluluwa ay iniakyat sa langit . A...

Maria: Iniakyat sa Langit

Imahe
Ang turo ng Simbahan Sa darating na ika-15 ng Agosto, muli nating ipagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Hindi ito isang paniniwala na naglalayong dakilain ang Ina ni Jesus nang higit sa nararapat, bagkus ito'y isang katotohanan ng pananampalataya na nagbibigay ng karangalan sa Diyos, naaayon sa diwa ng Ebanghelyo, at nakatutulong sa ating paglalakbay sa landas ng kabanalan. Kaya naman, walang pag-aalinlangang ipinahayag ni Pope Pius XII na silang mga itinatanggi o pinagdududahan ang doktrinang ito ay maituturing na "lubusan nang natalikod sa banal na Katolikong Pananampalataya" ( Munificentissimus Deus , 45). Hindi ka tunay na Katoliko kung hindi mo ito lubos na pinaniniwalaan. "Hinirang upang maging Ina ni Jesus na ating Tagapagligtas, si Maria ay ipinaglihi sa sinapupunan ng kanyang ina nang walang bahid-dungis ng kasalanang-mana. Sa kanyang kamatayan, ang kanyang katawan at kaluluwa ay iniakyat sa langit . A...

Maniniwala ka ba sa mga Manghuhula?

Imahe
Photo by Anastasia Shuraeva from Pexels (edited) Kung iisipin, posible naman talagang magkaroon ng tumpak na kaalaman hinggil sa mga mangyayari sa hinaharap batay sa isang makatuwiran at siyentipikong pagsisiyasat sa mga nangyari sa nakalipas at sa mga nangyayari ngayon sa kasalukuyan. Ang kailangan lamang ay sapat na kaalaman sa mga sanhi at epekto ng mga bagay-bagay sa mundo. Halimbawa, hindi ba't nahuhulaan natin nang tama kung kailan sumasapit ang kabilugan ng buwan, kung anong oras ang high tide at low tide , kung ano ang mga lugar na dadaanan ng bagyo, kung kailan magkakaroon ng eclipse at kung saan ito maaaring masaksihan, kung kailan ang expiration date ng mga pagkaing de-lata, at kung anu-ano pa? Ang hinaharap ay EPEKTO ng kasalukuyan. Kung may sapat kang kaalaman sa mga nangyayari ngayon, maaari mo talagang malaman ang mangyayari bukas (at hanggang sa mas malayong hinaharap). Gayon man, imposibleng makamit ng sinumang tao ang kumpletong kaalaman hingg...

Mga Tsismis tungkol sa mga Banal na Imahen

Imahe
Mahilig ka ba sa mga tsismis? Madali ka bang mapaniwala ng mga sabi-sabi? Kung kapwa mo Katoliko ang nagkwento, agad ka bang nagtitiwala? Kapag may ebidensyang ipinakita sa iyo, agad mo ba itong tinatanggap sa halip na siyasatin muna? Basta ka na lang ba naniniwala sa lahat ng makita mo sa internet, lalo na sa social media ? Noong June 21, 2017, naglabas ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines ( CBCP ) ng liham pastoral na pinamagatang " CONSECRATE THEM IN THE TRUTH: A Pastoral Exhortation Against Fake News ". Dito'y pinaalalahanan tayo hinggil sa mga masamang epekto ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon: "Crucial decisions — personal and social — depend on the accurate grasp of facts. 'Alternative facts' and 'fake news' engender faulty decisions many times with disastrous long-term consequences to persons and to communities . Sadly, we see this happening today. There are persons who have given themselves to the service of repor...

Masama Bang Maging Korporasyong Pang-Relihiyon?

Imahe
Sa unang lathala ng magasin na "Know The Truth" ni Fr. Paul Kaiparambadan, sa Pahina 18 ay may ganitong sinasabi hinggil sa sektang "Iglesia ni Cristo" ni Felix Manalo (na tatawagin nating mga "Manalista"): "When Jesus instituted His Church, it was registered in the hearts of those who repent and baptize in the Holy name of Trinity. It is a spiritual Kingdome, guided and regulated, not by rules of any state, but by the Holy Spirit. It can never be called or officially registered as a commercial corporation, with a trade mark, instituted for financial security, and one person as the owner of all financial and temporal assets! Jesus said: 'You can not serve God and mammon at a time. 'Iglecia Ni Cristo' of Mr. Manalo is officially registered as a Corporation on July 27, 1914. The Executive minister of this Corporation Mr. Erano Manalo certifies: 'That he is the executive minister of the Church of Christ, a religious corporatio...

Iglesia ni Cristo: Pangalan ng Simbahan?

Imahe
"Unfortunately, the coming of aggressive fundamentalist groups has not helped the ecumenical situation at all. Both the Catholic Church and the mainline non-Catholic Churches bear the biased onslaughts of these fundamentalist groups, reminiscent of a less enlightened age of religious conflict that we thought has long passed . . . . The Iglesia ni Kristo is an indigenous semi-Christian group that does not believe in the divinity of Christ. It was founded more than 75 years ago by Felix Manalo and is similar in nature to these fundamentalist and evangelical groups except perhaps that it has been more virulent in its attacks, and has become a very important political force in the country. Its members have also increased remarkably in number and they have retained their cohesion and discipline . . . . Ecumenical dialogue between the Church and these aggressive non-Catholic groups has been rendered extremely difficult at the moment. The aggressiveness of ...

Himala: Pagninilay sa MATEO 11:20-24

Kung araw-araw bang may himala, araw-araw din bang madaragdagan ang mga sumasampalataya sa Diyos? Araw-araw din kaya tayong mahihikayat na magsisi sa mga kasalanan at magsikap sa landas ng kabanalan? Batay sa naging karanasan ng Panginoong Jesus, HINDI . Kung saang mga bayan pa Siya gumawa ng mas maraming himala, sila pa ang naging matigas ang puso at di nagsisi sa kanilang mga kasalanan. Bakit kaya? Ano bang tingin ng tao sa mga himala? Kalimitang hamon ng mga ateista, "Maghimala lang ang Diyos sa harap ko, maniniwala na ako!" Naghahanap sila ng mga kagimbal-gimbal na himala: malakas na tinig na dadagundong sa kalangitan, pagtubo ng mga naputol na braso o binti, muling pagkabuhay ng namatay na naagnas na sa libingan, mga nagliliwanag at lumilipad na mga pari na gaya ng mga superhero sa pelikula, atbp. Subalit sapat na nga ba ang mga ito upang sumampalataya ang isang tao? Kung makarinig ka ng tinig mula sa langit, hindi mo ba muna ito sisiyasatin kung saan nagmumula? Kung...

Kulto ba ang Simbahang Katolika?

Marapat bang ituring na kulto ang Simbahang Katolika? Upang masagot nang maayos ang tanong na ito kailangan nating linawin ang kahulugan ng salitang "kulto." Buhat sa salitang Latin na cultus —na ang karaniwang kahulugan ay "pamimintuho o pagsamba", at past participle ng colere na ang kahulugan ay "linangin, ihanda, o papagyamanin"—ang kulto ay maaaring tumukoy sa: mga bagay, pamamaraan, o rituwal hinggil sa pagsamba sa Diyos at sa pamimintuho sa Mahal na Birhen, sa mga Santo, sa mga banal na imahen, at sa mga relikya ( 1910 New Catholic Dictionary ); malaking paghanga o debosyon sa isang tao, ideya, bagay, kilusan, o pilosopiya ( Merriam-Webster app 2021, #2 definition ); o mga "alternatibong relihiyon" na ang mga paggawi at paniniwala ay iba sa mga mas nakararaming relihiyon ( "Cult." Microsoft Encarta 2009 ). Makikita sa mga nabanggit na ang mismong salitang "kulto" ay walang masamang kahulugan bagkus na...

Porke't Marami, Mali na Lahat?

Imahe
Simple lang ba ang buhay ng tao? Sa aking palagay hindi. Bakit? Ito'y sapagkat lagi tayong nangangailangang magdesisyon. Lagi tayong namimili ng kung ano ba ang dapat o di dapat gawin. Kahit sa panaginip nag-iisip pa rin tayo kung paano tutugon sa daigdig na kinatha ng ating imahinasyon. At kapag nakapagdesisyon ka na, napagtatanto mong marami ka palang dapat gawin at may mga pagkakataon ding hindi lahat ng ito ay magagawa mo dahil sa mga limitasyong itinatakda ng totoong buhay. Ang simpleng buhay , sa aking palagay, ay ang pagkakaroon ng ➊ tiyak na desisyon sa lahat ng bagay nang di nangangailangan ng matagal at masinsinang pagpapasya at ng ➋ mabilis at mabisang pagsasakatuparan ng iyong napagpasyahan . Maikli lang ang buhay ng tao kaya't di dapat sayangin sa labis na pag-iisip at walang katuturang pagpapakapagod. Subalit ang naturang paghahangad ay di dapat maging dahilan para huwag nang pag-isipan ang mga bagay na kailangang pag-isipan at huwag nang pagsikapan ang ...