Mga Post

FEATURED POST

Maria: Iniakyat sa Langit

Ang turo ng Simbahan Sa darating na ika-15 ng Agosto, muli nating ipagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Hindi ito isang paniniwala na naglalayong dakilain ang Ina ni Jesus nang higit sa nararapat, bagkus ito'y isang katotohanan ng pananampalataya na nagbibigay ng karangalan sa Diyos, naaayon sa diwa ng Ebanghelyo, at nakatutulong sa ating paglalakbay sa landas ng kabanalan. Kaya naman, walang pag-aalinlangang ipinahayag ni Pope Pius XII na silang mga itinatanggi o pinagdududahan ang doktrinang ito ay maituturing na "lubusan nang natalikod sa banal na Katolikong Pananampalataya" ( Munificentissimus Deus , 45). Hindi ka tunay na Katoliko kung hindi mo ito lubos na pinaniniwalaan. "Hinirang upang maging Ina ni Jesus na ating Tagapagligtas, si Maria ay ipinaglihi sa sinapupunan ng kanyang ina nang walang bahid-dungis ng kasalanang-mana. Sa kanyang kamatayan, ang kanyang katawan at kaluluwa ay iniakyat sa langit . A...

Pagsisiyasat sa mga Nakasanayang Apolohetika

Imahe
UPDATED: 4:05 PM 5/22/2023 Sa apolohetika, mahalaga ang pagiging totoo at makatuwiran sa abot ng ating makakaya. 1 Dahil kung ipinagtatanggol natin ang ating Pananampalataya batay sa mga kasinungalingan, mga kaduda-dudang datos, at mga sinsay na pangangatuwiran, hindi ba't mas lalo lamang nating pinagmumukhang mali ang Simbahang Katolika? 2 Hindi ba't mas lalo lamang nating ginagatungan ang mga pagtuligsa ng mga anti-Katoliko laban sa atin? Sa halip na maparangalan, nababastos pa natin ang Diyos. Sa halip na makatulong, mas nagiging sanhi pa tayo ng pagkapahamak ng ating kapwa. 3 Kung talagang may takot tayo sa Diyos at kung talagang may malasakit tayo, dapat nating seryosohin ang pagsabak sa apolohetika. At kaakibat ng pagseseryosong ito ay ang matapat na pagsisiyasat sa mga argumento at pag-uugaling nakasanayan na natin. Sa naturang pagsisiyasat, siyempre, bilang Katoliko'y hindi tayo bukas sa posibilidad na mali ang mga aral ng Simbahan, sapagka't...

Mga Paglilinaw Hinggil sa Pasko

Imahe
Ang salitang "Pasko" Dahil sa impluwensya ng mga Kastila na tinawag itong Pascua de Navidad kaya natin nakagisnang tawaging "Pasko" ang Kapanganakan ng Panginoon. Sa Espanya, naging malawak ang gamit ng salitang pascua , na sa pasimula'y tumutukoy lamang sa Pista ng Paskuwa ng mga Judio ( Pascua judía, Pascua de los hebreos, Pascua de los judíos ). Dahil ang Paskuwa ay isang malaking kapistahan sa Judaismo, at dahil tayong mga Cristiano ay hindi na ito ipinagdiriwang, nakaugalian nang tawaging pascua ang mga mahahalagang kapistahan sa Simbahan. Kaya't sa Espanya, bukod sa Pascua de Navidad , ikinapit din ang salitang "pasko" sa Dakilang Kapistahan ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon ( Pascua de Resurrección ) at sa Dakilang Kapistahan ng Pagpanaog ng Espiritu Santo ( Pascua de Pentecostés ). Maging ano pa man ang mga nakagisnang itawag sa dakilang kapistahang ito — "Pasko," "Christmas," "Noel," "...

Mali daw ang "Mother of God" dahil sa John 1:18?

Imahe
"How can the RCC explain this?" — Bilang mga Katolikong Cristiano, ipinaliliwanag namin ang aming relihiyon batay sa pamantayan ng mga Banal na Kasulatan, Banal na Tradisyon, at Mahisteryo (CCC 95). Sinisikap din namin na maging makatuwiran at mapagpakumbaba, taliwas sa pag-uugali ng mga bulaang mangangaral na "mapagmataas," "parang mga hayop na walang isip," at "kinakalaban ang mga bagay na hindi nila nauunawaan" (2 Pedro 2: 10, 12 MBB). Ngayon, bilang tugon sa naturang anti-Katolisismo na nakita ko sa Facebook, narito ang mga masasabi ko: Hinggil sa larawang ginamit sa post, hindi ito imahen na ang pangunahing diwa ay ang pagpapakilala kay Maria bilang Ina ng Diyos. Bagkus, ito'y imahen ng Pagpuputong ng Korona kay Maria, na matatagpuan sa Santuário de Fátima sa Portugal. Isa itong matalinghagang paglalarawan ng kanyang dakilang katatayuan bilang Inang Reyna ng Panginoong Jesu-Cristo, ang Hari ng mga Hari. Naipaliwanag ko na i...

Ang Aking Opinyon Hinggil sa Halloween

Imahe
Bilang isang Pilipinong Katoliko, ang pagdiriwang ng Undas 1 ay karaniwang tungkol lamang sa dalawang pangunahing gawain: ➊ ang pagsisimba sa araw ng Todos Los Santos at Araw ng mga Patay, at ➋ ang pagdalaw sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay. Wala ka nang panahon sa mga kung anu-anong ipinauusong aktibidad na walang kinalaman sa dalawang ito, maliban na lang kung hindi ka Katoliko, o kung hindi ka pa namamatayan ng mahal sa buhay. Kaya nga't kadalasan, para lang maipagsiksikan sa kultura ng mga Pilipino ang mga kanluraning kaugalian ng Halloween gaya ng mga costume party at trick-or-treat , isinasagawa nila ang mga naturang aktibidad sa ibang mga petsa — kung minsa'y mga ilang araw bago ang mismong bisperas, at kung minsan nama'y sa mismong gabi na lamang ng ika-1 at ika-2 ng Nobyembre. Photo by Steven Weeks on Unsplash Wala namang makahulugang dahilan para magsabit ng mga dekorasyong nakakatakot. Wala namang makahulugang dahilan para magsuot...

Namatay bang anti-Katoliko si Rizal?

Imahe
Appeal to False Authority Kabilang sa mga paboritong taktika ng mga anti-Katoliko (lalo na sa social media ) ay ang pagsasangkalan kay Rizal bilang "katibayan" na mali talaga ang Simbahang Katolika hinggil sa kung ano pa mang paksang nais nilang tuligsain. Hindi malinaw ang batayan nila sa kung bakit nila ito ginagawa. Iniisip ba nilang ang pagiging "pambansang bayani" ay nangangahulugang ang isang tao'y maituturing na katiwa-tiwalang dalubhasa sa mga aral ng relihiyon? Inaakala ba nilang sa "sobrang talino" ni Rizal ay imposible na siyang magkamali sa anumang paksang tinatanggap niya o tinututulan niya? Kinikilala ba nila si Rizal bilang perpektong huwaran ng isang tunay na mabuti at matalinong Pilipino? Sa tuwing kinakalaban ng isang tao ang Simbahang Katolika, gaano ba talaga kaimportante na maging "kakampi" niya si Rizal? Sa logic may tinatawag na appeal to false authority — alalaong-baga'y ang pagsasangkalan ng mga maling tao b...

Masama bang tawaging "Padre" ang mga Pari?

Imahe
"Huwag ninyong tawaging ama ang sino mang tao sa lupa, sapagkat iisa lamang ang inyong Ama na nasa langit." MATEO 23: 9-10 Kung iisipin, dito sa atin sa Pilipinas, wala namang tumatawag sa Pari ng "ama," "tatay," "itay," "papa," "amang," o "tatang." Ang nakagisnang tawag ay "Padre," (na halata namang impluwensya lamang ng mga Kastila) o di kaya'y ang Amerikanong salitang "father" para sa mga naaasiwa sa makalumang tono ng "Padre." Oo, pare-pareho ang literal na kahulugan ng mga ito, subalit malinaw din naman sa atin na pagdating sa mga Pari, ginagamit lamang ang mga naturang salita bilang pagkilala sa kanilang mismong pagka-pari, hindi para palitan ang Diyos Ama bilang iisa at pangkalahatang Ama ng sangnilikha. Sa totoo lang, makapagtuturo ba tayo ng kahit isang Katoliko na may gayong maling pananaw? Sapagkat sino bang matinong Katoliko ang mag-iisip na pinapalitan ng Pari ang ...

Nilapastangan ba ni VP Robredo ang Novaliches Cathedral?

Imahe
UPDATED: 9:32 PM 3/10/2022 Hinggil sa mga templo o bahay-dalanginan na tinatawag nating "simbahan," marami tayong mga nakagisnang pagkilos at pag-uugali na nagpapahayag ng ating paggalang sa mga itinuturing nating "banal na lugar." Kapag may nadaraanang simbahan, nag-aantanda ng krus. Bago pumasok sa loob, binebendisyunan ang sarili ng agua bendita. Kung may suot na sumbrero, inaalis. Para sa ilang mga "makaluma" at "konserbatibong" kababaihan, nagsusuot pa ng belo. Bago maupo, naninikluhod (iluluhod ang kanang tuhod) habang nakaharap sa tabernakulo, kung saan naroon ang Tunay na Presensya ng Panginoon. Kung dadaan sa harap ng altar (na sumasagisag sa Panginoong Jesus), yumuyuko. At kapag nakaupo na, mananahimik (maliban siyempre sa mga pagtugon sa Misa at sa mga isinasagawang debosyon). Kung may mga nagbabantay, sinasaway ang mga pulubi o nagtitinda na pagala-gala sa loob o gumagambala sa mga nagdadasal. Bawal ang pagkain at inumin, maliban...

Ang Kaplastikan ng National Bible Sunday

Imahe
Ngayong linggo ipinagdiriwang natin ang Pambansang Linggo ng Biblia. Bakit nga ba? Sino bang nagsabi na gawin natin ito? Sa katunayan, hindi naman ito isang pagdiriwang na pinasimulan mismo ng Simbahang Katolika, bagkus ay pinasimulan ng pamahalaan sa pangunguna ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, at saka inamyendahan ng mga dating Pangulong Corazon Aquino at Fidel Ramos, at ng kasalukuyang Pangulo, Rodrigo Duterte. PROCLAMATION No. 2242 DECLARING THE LAST SUNDAY OF NOVEMBER AS BIBLE SUNDAY AND THE WEEK FOLLOWING AS NATIONAL BIBLE WEEK AND EVERY YEAR THEREAFTER. WHEREAS, it is a policy of the State enunciated in the Constitution that the government shall aid and encourage the development of the moral character and personal discipline of the people; WHEREAS, certain activities pursued in the exercise of religious freedom contribute to the attainment of this goal which should receive the encouragement and support of the government upon the condition that all religious se...