Mga Post

FEATURED POST

Maria: Iniakyat sa Langit

Ang turo ng Simbahan Sa darating na ika-15 ng Agosto, muli nating ipagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Hindi ito isang paniniwala na naglalayong dakilain ang Ina ni Jesus nang higit sa nararapat, bagkus ito'y isang katotohanan ng pananampalataya na nagbibigay ng karangalan sa Diyos, naaayon sa diwa ng Ebanghelyo, at nakatutulong sa ating paglalakbay sa landas ng kabanalan. Kaya naman, walang pag-aalinlangang ipinahayag ni Pope Pius XII na silang mga itinatanggi o pinagdududahan ang doktrinang ito ay maituturing na "lubusan nang natalikod sa banal na Katolikong Pananampalataya" ( Munificentissimus Deus , 45). Hindi ka tunay na Katoliko kung hindi mo ito lubos na pinaniniwalaan. "Hinirang upang maging Ina ni Jesus na ating Tagapagligtas, si Maria ay ipinaglihi sa sinapupunan ng kanyang ina nang walang bahid-dungis ng kasalanang-mana. Sa kanyang kamatayan, ang kanyang katawan at kaluluwa ay iniakyat sa langit . A...

"Ang Matuwid na si Lot"

Imahe
"Ang asawa ni Lot ay lumingon at naging isang haliging asin" (Genesis 19:26) [ Image by hello1694 from Pixabay ] ". . . tinupok niya ang dalawang lungsod ng Sodoma at Gomora at pinarusahan sila hanggang malipol bilang halimbawa ng sasapit sa mga tampalasan; iniligtas niya ang matuwid na si Lot, na nahirapan dahil sa kahalayan ng mga salaring yaon — sapagkat ang taong matuwid na ito na nakikipamayan sa kanila ay nahihirapan sa kanyang kaluluwang banal araw-araw dahil sa masasamang gawain na kanyang nakikita at naririnig. Nalalaman ng Panginoon kung paanong ililigtas sa pagsubok ang mga banal at ilalaan ang parusa sa mga tampalasan hanggang sa araw ng paghuhukom . . ." ( 2 PEDRO 2:6-9) Bilang mga Katoliko tinuruan tayong alalahanin ang buhay ng mga Santo at Santa upang matuto tayo sa kanilang mga halimbawa. Alalahanin natin kung gayon itong si Lot na ayon kay San Pedro ay isang "taong matuwid" at may "kaluluwang banal" daw at suriin...

Bawal na Namang Magsimba

Imahe
Photo by Austrian National Library on Unsplash Alinsunod sa utos ng pamahalaan ( Memorandum from the Executive Secretary On Additional Measures to Address the Rising Cases of COVID-19 in the Country, March 21, 2021) ang buong NCR kabilang na ang Pateros at ang mga karatig probinsya nito (Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal) ay muling sasailalim sa General Community Quarantine magmula ika-22 ng Marso hanggang ika-apat ng Abril. Kabilang sa mga ipinag-utos ay ang mga sumusunod: "All mass gatherings including religious gatherings shall be prohibited." (B.2) "Holding of weddings, baptisms, and funeral services shall be limited to ten (10) persons." (B.3) Maraming umalma kabilang na ang ilang mga pari at obispo. Ako ma'y nalilito rin sa mga nangyayari. Tila ba tahasang nilalabag nito ang kalayaang pangrelihiyon na itinatakda ng Saligang Batas na tahasang nagsasabi: "Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihyon, o...

Panalanging Mula sa Puso

Imahe
"Prayer is the raising of one's mind and heart to God, or the petition of good things from him in accord with his will. It is always the gift of God who comes to encounter man. Christian prayer is the personal and living relationship of the children of God with their Father who is infinitely good, with his Son Jesus Christ, and with the Holy Spirit who dwells in their hearts." ( CCCC 534) [ Photo by Isabella and Louisa Fischer on Unsplash ] "Iginagalang ako ng bayang ito sa mga labi, ngunit malayo sa akin ang kanilang puso. Walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, sapagkat ang mga aral nilang itinuturo ay mga kauutusan ng mga tao." ( MATEO 15:8-9) Sabi sa isang babasahin ng mga Saksi ni Jehova: " Kapag tayo'y nananalangin dapat na kausapin natin ang Diyos mula sa ating puso. Hindi natin dapat sambitin ang ating mga panalangin mula sa memorya o basahin ang mga ito mula sa aklat-dasalan. " ("Paglapit sa Diyos sa P...

Emperador Constantino: Pasimuno ng Katolisismo?

Imahe
Pagdating sa kasaysayan, napakadaling manloko ng tao. Madali tayong linlangin dahil ang karamihan sa atin ay walang panahong magsaliksik. Ano ba naman kasi ang pakinabang ng mga kaalamang pang-kasaysayan sa araw-araw na buhay ng isang Pilipino? Sa kaso ko masasabi ko talagang wala. Limang araw sa sanlinggo'y pumapasok ako sa trabaho at umuuwi akong pagod. At sa dalawang araw na day off ko, nakalaan na ang mga libreng oras para sa pag-aasikaso ng labada, sa pamamalengke, sa mga gawaing-bahay, at sa pag-tupad ng iba ko pang mga responsibilidad. Anumang nalalabing oras ay laan na para sa pagpapahinga at paglilibang. Saan pa isisingit ang pagsasaliksik? Paalaala nga ng Mangangaral: "Nakababagot sa laman ang matagal na pag-aaral" (Eclesiastes 12:12). Si Emperador Constantino daw ang nagtatag sa Simbahang Katolika, ayon sa mga anti-Katoliko. Nakayayamot sagutin ang bintang na ito hindi lamang dahil sa naaabala ako; nakayayamot sapagkat maituturing itong paglapastan...

Ang Anti-Katolisismong di mo Dapat Pinoproblema

Mapalad akong mapabilang sa isang bahagi ng lipunang marunong rumespeto sa karapatan sa kalayaang pangrelihiyon. Maaari akong mamuhay nang ayon sa aking pananampalataya nang hindi dumaranas ng mga pag-uusig. Kung may sumalungat man sa akin, hindi nila ako maaaring pilitin na magbago ng paniniwala. Hindi nila ako puwedeng patayin, pagbantaan, saktan, hamakin, o pagkaitan ng mga karapatan. Mapalad ako sapagkat minarapat ng Diyos na huwag iparanas sa akin ang buhay ng isang inuusig na Cristiano. Kung nakararanas man ako ng anti-Katolisismo, ito'y nasa anyo lamang ng mga pangungulit, pang-aabala, panunuligsa, pang-aasar, pagsisinungaling, atbp. Oo, ito'y mga bagay na nakapagdudulot pa rin ng pagkabalisa lalo na sa isang Katolikong mahina ang pananampalataya (na kung pababayaa't di maaagapa'y hahantong sa pagkapahamak ng kanyang kaluluwa), subalit kung ihahambing sa mga madugong pag-uusig na nagaganap sa ibang mga lugar sa bansa at sa iba't ibang panig ng mundo, masasa...

Kecharitomene

Imahe
Sa ating paggunita sa kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria, magandang pagnilayan ang isa sa mga taludtod ng Biblia na malimit gamitin sa apolohetika sa pagtatanggol sa naturang dogma: ang Lucas 1:28 . Dito'y binati ng Anghel Gabriel ang Mahal na Birhen sa isang natatanging paraan. Kabisado na natin ang kanyang mga sinabi palibhasa'y ito rin ang unang taludtod ng isa sa mga pinaka-ginagamit na panalangin nating mga Katoliko: Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya! Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo! Napupuno ka ng grasya. Ito'y tuwirang pagsasa-Filipino ng pagkakasalin sa Bibliang Latin ( gratia plena ). Subalit ano ang nasasaad sa mga manuskritong Griyego? Ang salitang sinabi ay kecharitōmenē, na ang literal na kahulugan ay "babaeng na-grasya-han noon at hanggang ngayo'y taglay pa rin ang grasyang tinanggap." Oo, sadyang mayaman ang kahulugan ng naturang salita at isang hamon kung paano mo ba ito dapat isalin nang tama at...

Marami ka Bang Alam sa Biblia?

Imahe
Isang malaking palaisipan sa akin kung paanong nagagawang angkinin ng mga anti-Katoliko na sila daw, di umano, ay maraming alam sa Biblia. Maraming beses na raw nila itong nabasa at sa tulong nito'y napagtanto nilang ang Simbahang Katolika nga ay mali. Ipinagmamayabang ng mga ateista na sa pagbabasa raw ng Biblia natuklasan nila na ang Diyos ng Cristianismo ay isang malaking kalokohan. Sinasabi naman ng mga "dating Katoliko" (na umanib sa ibang sekta) na sa pagbabasa raw ng Biblia nabisto nila ang mga sari-saring inimbentong aral ng Katolisismo at kanilang natagpuan ang "tunay na iglesya" na nagtuturo ng "katotohanan." Siyempre pa may nakahanda na silang listahan ng mga taludtod na ipamumukha sa iyo sa sandaling hanapan mo sila ng katibayan ng kanilang ipinagmamalaking "kaalaman." Hindi ako makapaniwala kung paano nila iyon nagagawa—ang pagtiyagaang basahin ang Biblia—gayong kung ako nga na isang Katoliko at may-akda ng blog na ito ay lubh...

Pagkakahiwalay ng Simbahan at Estado

Imahe
"Nakikialam na naman ang Simbahan!" , ang karaniwang reklamo ng mga anti-Katoliko sa tuwing may ipinahahayag ang ating mga obispo at kaparian na may kinalaman sa mga usaping panlipunan at pampulitika. Agad nilang iginigiit na paglabag daw ito sa separation of Church and State na itinatakda ng Konstitusyon. Abusado raw ang Simbahan at ipinagpipilitan daw nito ang Katolikong Pananampalataya sa buong bansa gayong hindi naman lahat ng Pilipino ay Katoliko. Ang Simbahan daw ay dapat manahimik lang at magdasal at maging masunurin sa anumang sabihin ng pamahalaan. Walang maitutulong sa gobyerno ang anumang mga salitang mamumutawi sa bibig ng sinumang lider ng relihiyon. Sa madaling salita hindi raw kailangan ng Estado ang Simbahan. Isang kabalintunaan na sa tuwing sasapit ang panahon ng eleksyon mistulang naglalaho ang naturang pagkakahiwalay, sapagkat karaniwan na sa mga kandidato ang manuyo sa mga maimpluwensyang grupong pangrelihiyon gaya ng El Shaddai ni Mike Velarde at ng...