Mga Post

FEATURED POST

Maria: Iniakyat sa Langit

Ang turo ng Simbahan Sa darating na ika-15 ng Agosto, muli nating ipagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Hindi ito isang paniniwala na naglalayong dakilain ang Ina ni Jesus nang higit sa nararapat, bagkus ito'y isang katotohanan ng pananampalataya na nagbibigay ng karangalan sa Diyos, naaayon sa diwa ng Ebanghelyo, at nakatutulong sa ating paglalakbay sa landas ng kabanalan. Kaya naman, walang pag-aalinlangang ipinahayag ni Pope Pius XII na silang mga itinatanggi o pinagdududahan ang doktrinang ito ay maituturing na "lubusan nang natalikod sa banal na Katolikong Pananampalataya" ( Munificentissimus Deus , 45). Hindi ka tunay na Katoliko kung hindi mo ito lubos na pinaniniwalaan. "Hinirang upang maging Ina ni Jesus na ating Tagapagligtas, si Maria ay ipinaglihi sa sinapupunan ng kanyang ina nang walang bahid-dungis ng kasalanang-mana. Sa kanyang kamatayan, ang kanyang katawan at kaluluwa ay iniakyat sa langit . A...

Pamimintuho sa Imahen ng Nazareno: Kalabisan nga ba?

Imahe
Constantine Agustin, Black Nazarene , edited using ULEAD PhotoImpact 7.0 by McJeff F., CC BY-SA 2.0 Kung sasaksihan ang isinasagawang Traslación ng imahen ng Nuestro Padre Jesús Nazareno tuwing ika-siyam ng Enero taun-taon, at sa tuwing nakakausap natin ang mga di-Katolikong paulit-ulit itong tinutuligsa, hindi talaga maiiwasan na tayo mismo'y mapaisip at magtanong sa ating mga sarili: "Kalabisan na nga ba ang mga pinaggagagawa natin?" Bakit gayon na lamang katindi ang pamimintuhong iniuukol sa isang rebulto lang, habang walang gayong katinding debosyon na makikitang naiuukol sa mismong tunay na presensya ng Panginoong Jesu-Cristo sa Banal na Eukaristiya (halimbawa, sa tuwing nagsasagawa ng mga eucharistic procession )? At kung ang naturang debosyon ay ipinagmamalaki nating tanda ng laganap na paninindigan sa Pananampalatayang Katolika sa Pilipinas, bakit nananatiling hati ang opinyon nating mga Katoliko pagdating sa mga usaping moral gaya ng diborsyo, homose...

Mga Pagmumuni-muni ng Isang Katolikong Walang Asawa

Imahe
Photo by Kelvin Valerio: https://www.pexels.com/photo/man-wearing-black-cap-with-eyes-closed-under-cloudy-sky-810775 (edited) "Bakit wala ka pang asawa?", "Kailan ka mag-aasawa?", "Single ka pa rin?", "Mag-asawa ka na, uy." Ilan lamang ito sa mga paulit-ulit mong maririnig sa mga tao habang tumatanda ka. Ngayong lumalapit na ako sa edad na 40, mas lalo pang tumitindi ang mga naturang pangangantyaw. Pakiramdam ko nga'y napagiiwanan na ako, lalo pa't halos lahat na yata ng mga kaibigan ko ay may mga sariling pamilya na. Sa Facebook nga, tila ba ako na lang ang hindi nagpopost ng picture ng sarili niyang asawa't mga anak. Sanay na tayo na gawin itong paksa ng mga biruan at mga di pinag-iisipang pangungulit at pangingialam, sa kabila ng katotohanang ang pag-aasawa ay isang seryosong desisyong panghabambuhay na may kapangyarihang baguhin ang buong buhay at pagkatao mo. Naiintindihan ko naman ang pangangailangang magmadali sa pag-aasaw...

Hindi Po Ako Iyan

Imahe
SCREENSHOT DATE: Tuesday, December 17, 2024, 5:50:09 PM. URL: https://web.facebook.com/CatholicDefenseGroup Habang nagtitingin-tingin sa Facebook ng mga kung anu-ano, nakita ko ang isang page na may pamilyar na pamagat: "Sa Ibabaw Ng Bato." At tulad ng blog na ito, tila ba nakatuon din ang naturang pahina sa mga paksa ng apolohetika at mga bagay-bagay tungkol sa Pananampalatayang Katolika. Nais ko pong linawin na wala po akong kaugnayan sa naturang page . Batay na rin mismo sa page transparency info ng page na iyon, nalikha lamang ito nitong ika-19 ng Agosto, at may dating pamagat na "Saint Peter's Men Society - National Shrine of Jesus Nazareno - SPMS Quiapo," na nang sumunod na araw ay pinalitan ng "Catholic Defense," at kalaunan, nang ika-28 ng Nobyembre ay naging "Sa Ibabaw Ng Bato" na nga. Malinaw na hindi po ako iyan , kaya't huwag sanang maging sanhi ng kalituhan. Gaya ng makikita sa mga disclaimer na inilalagay ko sa aking mga p...

Maria: Birhen Magpakailanman

Imahe
[ EDITED AND REPOSTED : 9:23 AM 12/2/2024] Image by SAJ-FSP from Pixabay (edited)   AEIPARTHENOS Ang Mahal na Inang Maria ay pinararangalan din natin bilang "Mahal na Birhen" sapagkat siya'y namalaging birhen bago , habang , at pagkatapos ipanganak ang Panginoong Jesu-Cristo. Sa Second Council of Constantinople (553 A.D.) tinawag siyang Aeiparthenos , salitang Griyego na ang kahulugan ay "Laging-Birhen" ( Ever-Virgin ) . Isa ito sa mga mahahalagang aral ng ating Pananampalataya na dapat tanggapin, sapagkat tuwiran itong nakaugnay sa mga katuruan hinggil sa Persona ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa kanyang gawaing pagliligtas sa atin, at sa kung paano ba tumugon ang ating Mahal na Ina sa mapanligtas na gawaing iyon ( CCC 502).   BAGO, HABANG, AT PAGKATAPOS "Kaya nga ang Panginoon na rin ang magbibigay sa inyo ng isang tanda: Tingni, maglilihi ang birhen at manganganak ng lalaki na tatawaging Emanuel" (Isaias 7: 14). Ay...

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

Imahe
[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Mga Pagmumuni-muni #3

Imahe
Image by Pedro Ivo Pereira Vieira Pedin from Pixabay 6:50 PM 10/20/2024 Nakakatamad nang Magsulat ng Apolohetika Bilang isang Cristiano, ang pagtatanggol sa pananampalataya—alalaong-baga'y apolohetika—ay parehong isang karapatan at tungkulin (CCL: canon 229 § 1 ). Hindi ito dapat ituring na isa lamang libangan, karera, o kabuhayan, bagama't wala namang masama kung nalilibang ka rin dito o kung pinagkakakitaan mo rin ito (upang mapaglaanan mo ito ng karampatang panahon nang di nakokompromiso ang sariling ikabubuhay). Sa kaso ko, iyan lang talaga ang dahilan kung bakit ginawa ko itong blog na ito. Pinagkalooban ako ng Diyos ng maraming oportunidad na pag-aralan ang Pananampalatayang Katolika nang sarilinan (sa pamamagitan ng mga libro, ng internet, at ng biyaya ng sentido komun), anupa't mananagot ako sa harap ng hukuman ni Cristo kung di ko pagsusumikapang ibahagi at ipagtanggol ang Pananampalataya hanggang sa abot ng aking makakaya at nang higit sa karaniwang gin...

Diyos ang Binastos, Pero sa Kung Sinu-sino Humingi ng Tawad?

Imahe
Kapag may kabalbalang nangyayari sa loob ng simbahan, oo, maraming tapat na Katoliko ang nababalisa. Subalit hindi sila nababalisa para sa sarili nila. Nababalisa sila para sa Diyos na nalapastangan dahil sa kabalbalang ginawa sa loob ng Kanyang banal na Tahanan. At dahil ang Diyos ang totoong "biktima" rito, hindi ba't nararapat lamang na sa Diyos tayo unang-unang humihingi ng kapatawaran at nagsasagawa ng karampatang pagbabayad-sala? Hindi ko lubos maisip kung bakit sa lahat ng mga lumabas na pahayag mula kay Julie Anne San Jose, sa Sparkle GMA Artist Center, at sa mismong Kura Paroko ng Nuestra SeƱora del Pilar Shrine and Parish, naisip nilang humingi ng tawad sa mga kung sinu-sinong personalidad liban sa Diyos at sa Mahal na Birheng Maria . Ipinahihiwatig ng mga naturang pag-uugali ang totoong ugat sa likod ng mga nangyaring kabalbalan. Higit nilang pinahahalagahan ang ikalulugod ng mundo kaysa sa kung ano ang ikalulugod ng Diyos. Mas...

Paglalakbay Patungo sa Kamatayan: Ano ang Dapat Isaalang-alang?

Imahe
Photo by Kampus Production from Pexels (edited) Ano bang dapat gawin kapag may mahal ka sa buhay na malapit nang mamatay—kapag may iilang oras na lang siyang nalalabi sa mundong ibabaw? May nabalitaan akong ganito noon: Isang batang may kanser at may taning na ang buhay. At ano ang pinagsumikapang gawin ng kanyang nanay para sa kanya? Ang makausap niya sa telepono ang paborito niyang YouTuber. Naging napakalaking isyu pa nito dahil hindi agad napagbigyan ang hinihiling na pabor, at maraming galit na galit sa naturang YouTuber na wari ba'y mayroon siyang moral na obligasyong tuparin ang huling kahilingan ng sinumang tagahanga niyang naghihingalo. Hindi ko lubos maisip kung bakit sa dinami-dami ng maaaring maging huling kahilingan ng isang tao, ang pakikipag-usap pa sa isang YouTuber ang gusto niya. Ano bang mapapala mo dun? Matutulungan ka ba niya para paghandaan ang nalalapit mong pagharap sa hukuman ni Cristo? Nakasalalay ba sa kanya ang magiging magpakailanmang hant...