Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2023

Ang Aking Opinyon Hinggil sa Tamang Postura sa Tuwing Dinarasal ang "Ama Namin"

Imahe
Photo by Haley Rivera on Unsplash "Sinasabi ko sa inyo, kung katulad lang ng pagsunod ng mga teachers ng Law at mga Pharisees ang pagsunod nyo sa kalooban ng Diyos, hinding-hindi kayo makakapasok sa Kaharian ng langit." MATTHEW 5: 20 PVCE Paano nga ba: Ⓐ Nakataas ang mga kamay ( Orans Posture ), Ⓑ maghawak-hawak ng mga kamay , o Ⓒ magtitiklop ng mga palad ? Mula pa nang pagkabata, ang nakagisnan ko na ay ang B, at kung nakakakita man ako ng gumagawa ng A, ito'y kapag may mga taong walang malapit na katabi na mahahawakan ng kamay. Ang kadalasan kong nakikitang gumagawa ng C ay mga madre, at kung minsa'y mga sakristan. Batay sa mga karanasang ito, ang naging pananaw ko'y pare-parehong tama ang A, B, at C. At mukha namang walang masama o mali sa opinyon kong ito dahil 18 taon na ang nakararaan, nagkaroon na ng paglilinaw hinggil dito ang Simbahan, at sinabing "hindi pinagbabawalan" ang mga layko na gawin ang B, 1 ...

Labag ba sa mga Aral ng Simbahan ang Teorya ng Ebolusyon?

Imahe
[ PREVIOUSLY UPLOADED AT : saibabawngbato.20m.com ON : 05/18/2019 | UPDATED : today] "Ang salaysay sa Genesis ay hindi nagtuturo o kaya ay sumasalungat sa teoriya ng ebolusyon ayon sa agham." KPK 324 MGA PAGLILINAW AT PAGTUTUWID Kapansin-pansin na sa tuwing napag-uusapan ng mga Pilipinong Katoliko ang paksang ito, lumulutang ang mga sari-saring maling pagkakaunawa hinggil sa agham, sa ugnayan ng Simbahan at ng agham, sa kahulugan ng salitang "teorya," at sa kung paano ba dapat inuunawa ang salaysay ng paglikha sa Biblia (partikular, sa nasusulat sa aklat ng Genesis). Nagkakalitu-lito rin maging sa panig ng mga ateista sa paggamit ng mga salitang "kreasyonismo" ( creationism ) at "intelihenteng disenyo" ( intelligent design ) . Ang mga ito'y nangangailangan ng mga paglilinaw at pagtutuwid, nang sa gayon, ang mga pag-uusap hinggil sa Teorya ng Ebolusyon ay maging makatotohanan, makatuwiran, at may matinong pinatutunguhan. ...