Kapag may kapamilya kang naaakit sa ibang relihiyon

Photo by Luis Quintero (edited) Bilang Katoliko, alam nating ang Simbahang Katolika ang nag-iisang tunay na relihiyon. Bagama't maaaring makasumpong ng mga elemento ng katotohanan, kabutihan, at kabanalan sa mga di-Katolikong simbahan at mga sekta, walang katuturan na talikuran ang Simbahan para umanib sa alinman sa kanila, mangyaring nasa Simbahang Katolika ang buong katotohanan at ang lahat ng kaparaanan ng kabutihan at kabanalan . Kaya naman, kung may mga Katoliko mang naaakit sa ibang relihiyon, dalawa lamang ang naiisip kong posibleng dahilan: (a) kamangmangan, o (b) pagmamataas. Kamangmangan , sapagkat hindi nagsisikap na tuklasin at unawain ang mga aral ng Simbahan, anupa't napakadaling malinlang at mapaniwala ng sinumang tusong mangangaral. Pagmamataas , sapagkat sa kanilang puso'y naghahanap lang talaga sila ng relihiyong ituturo lamang ang mga gusto nilang marinig. Kung may kapamilya kang naaakit sa ibang relihiyon, mapapaisip ka tuloy: " Napak...