Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2023

Pagsisiyasat sa mga Nakasanayang Apolohetika

Imahe
UPDATED: 4:05 PM 5/22/2023 Sa apolohetika, mahalaga ang pagiging totoo at makatuwiran sa abot ng ating makakaya. 1 Dahil kung ipinagtatanggol natin ang ating Pananampalataya batay sa mga kasinungalingan, mga kaduda-dudang datos, at mga sinsay na pangangatuwiran, hindi ba't mas lalo lamang nating pinagmumukhang mali ang Simbahang Katolika? 2 Hindi ba't mas lalo lamang nating ginagatungan ang mga pagtuligsa ng mga anti-Katoliko laban sa atin? Sa halip na maparangalan, nababastos pa natin ang Diyos. Sa halip na makatulong, mas nagiging sanhi pa tayo ng pagkapahamak ng ating kapwa. 3 Kung talagang may takot tayo sa Diyos at kung talagang may malasakit tayo, dapat nating seryosohin ang pagsabak sa apolohetika. At kaakibat ng pagseseryosong ito ay ang matapat na pagsisiyasat sa mga argumento at pag-uugaling nakasanayan na natin. Sa naturang pagsisiyasat, siyempre, bilang Katoliko'y hindi tayo bukas sa posibilidad na mali ang mga aral ng Simbahan, sapagka't...