Ang aking opinyon hinggil sa Halloween

Bilang isang Pilipinong Katoliko, ang pagdiriwang ng Undas 1 ay karaniwang tungkol lamang sa dalawang pangunahing gawain: ➊ ang pagsisimba sa araw ng Todos Los Santos at Araw ng mga Patay, at ➋ ang pagdalaw sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay. Wala ka nang panahon sa mga kung anu-anong ipinauusong aktibidad na walang kinalaman sa dalawang ito, maliban na lang kung hindi ka Katoliko, o kung hindi ka pa namamatayan ng mahal sa buhay. Kaya nga't kadalasan, para lang maipagsiksikan sa kultura ng mga Pilipino ang mga kanluraning kaugalian ng Halloween gaya ng mga costume party at trick-or-treat , isinasagawa nila ang mga naturang aktibidad sa ibang mga petsa kung minsa'y mga ilang araw bago ang mismong bisperas, at kung minsan nama'y sa mismong gabi na lamang ng ika-1 at ika-2 ng Nobyembre. Photo by Steven Weeks on Unsplash Wala namang makahulugang dahilan para magsabit ng mga dekorasyong nakakatakot. Wala namang makahulugang dahilan para magsuot...