Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2022

Nilapastangan ba ni VP Robredo ang Novaliches Cathedral?

Imahe
UPDATED: 9:32 PM 3/10/2022 Hinggil sa mga templo o bahay-dalanginan na tinatawag nating "simbahan," marami tayong mga nakagisnang pagkilos at pag-uugali na nagpapahayag ng ating paggalang sa mga itinuturing nating "banal na lugar." Kapag may nadaraanang simbahan, nag-aantanda ng krus. Bago pumasok sa loob, binebendisyunan ang sarili ng agua bendita. Kung may suot na sumbrero, inaalis. Para sa ilang mga "makaluma" at "konserbatibong" kababaihan, nagsusuot pa ng belo. Bago maupo, naninikluhod (iluluhod ang kanang tuhod) habang nakaharap sa tabernakulo, kung saan naroon ang Tunay na Presensya ng Panginoon. Kung dadaan sa harap ng altar (na sumasagisag sa Panginoong Jesus), yumuyuko. At kapag nakaupo na, mananahimik (maliban siyempre sa mga pagtugon sa Misa at sa mga isinasagawang debosyon). Kung may mga nagbabantay, sinasaway ang mga pulubi o nagtitinda na pagala-gala sa loob o gumagambala sa mga nagdadasal. Bawal ang pagkain at inumin, maliban...