Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2024

Sakramento ng Kumpisal

Imahe
REVISED & REPOSTED : 8:52 PM 6/27/2024   NAGIMBENTO NG TUTULIGSAIN Ano bang mali sa Sakramento ng Pakikipagkasundo, o mas kilala sa bansag na "Sakramento ng Kumpisal"? Para sa mga anti-Katolikong Protestante't pundamentalista, marami silang nakikitang mali, at kadalasan ang mga ito'y nakasalig sa mga di-pagkakaintindi sa kung ano ba talaga ang nagaganap sa Sakramento ng Kumpisal at sa kung ano ba talaga ang itinuturo ng Simbahang Katolika hinggil sa buong proseso ng pagbabalik-loob ng isang Cristianong nagkasala sa Diyos. Sa isang banda, hindi na rin naman tayo nagugulat sa kanilang panunuligsa sa naturang sakramento, sapagkat matapos nilang talikuran ang Simbahan, wala naman silang ibang mapagpipilian pa kundi ang mangumpisal nang tuwiran at sarilinan sa Diyos, mangyaring iyon lang naman ang maaari pa nilang gawin. Tama naman na mangumpisal tayo nang tuwiran sa Diyos, at ito naman talaga ang ginagawa nating mga Katoliko mula pa noong unang panahon hanggan...