Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2021

Mga Personal na Tanong Tungkol sa Kapaskuhan

Imahe
Ano ang Pasko para sa iyo? Para sa akin, bilang isang Katolikong Cristiano, ang Pasko 1 ay ang Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ng Panginoong Jesu-Cristo. Wala nang ibang kahulugan. Hindi kailangang pakumplikahin at mag-isip ng kung anu-anong "tunay na diwa" ng Pasko. Ang kaarawan ng Panginoong Jesu-Cristo ang "dahilan" ng Pasko, at wala nang iba pang pinaka-mabuti't pinaka-dakilang paraan ng paggunita sa kanyang kaarawan liban sa mismong pagdiriwang ng Banal na Misa. 2 Kaya nga tinawag itong Christmas — "Cristo" + "Misa". Kalimutan mo ang Panginoong Jesus sa buong kapanahunan ng Kapaskuhan, at huwag kang magsimba sa mismong araw ng Pasko, at nawawalan ng kahulugan ang lahat. Kung wala sa puso mo ang Panginoon, 3 walang kabuluhan ang mga ginagawa mong paghahanda at pagsasaya at pagsasabit ng mga dekorasyon. Kung anu-anong "tunay na diwa" ng Pasko ang ipinauuso natin: na ito daw ay para sa mga bata, para sa pags...