EDITED & REPOSTED : 4:49 PM 2/19/2024 Photo by Marina Gr from Pexels (edited) "We believe in one, holy, catholic, and apostolic Church, built by Jesus Christ on that rock which is Peter." POPE PAUL VI Solemni Hac Liturgia , 19 June 30, 1968 ANG UNANG SANTO PAPA Kalabisan bang sabihin na si Apostol San Pedro ang unang Santo Papa ng Simbahang Katolika? Linawin natin ang pagkakaiba ng mismong katungkulan ni San Pedro at ang mga pag-unlad ng katungkulang ito nang ito'y akuhin ng kanyang mga nagiging kahalili sa Roma sa pagdaan ng panahon. Sa ating kapanahunan, kaakibat na ng salitang "Santo Papa" ang Vatican City, Roman Curia, College of Cardinals, encyclical, atbp. — mga bagay-bagay na hindi naman talaga naging bahagi ng panunungkulan ni San Pedro sa Simbahan noong unang siglo ng Cristianismo. Sa ganitong pananaw, maaari talagang sabihin na si San Pedro ay hindi naging unang "Santo Papa." Gayon man, si San Pedro ay tala...