Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2021

Ako ay Iglesia ni Cristo?

Imahe
UPDATED: 7:29 PM 10/23/2022 "Ngayon, sinasabi ko na ang lahat ng salitang walang kabuluhan na bigkasin ng tao ay pananagutan nila sa araw ng paghuhukom. Sapagkat sa iyong mga salita ikaw ay pawawalang-sala, at sa iyong mga salita ikaw ay hahatulan." MATEO 12: 36-37 Kapag sinabi ng isang Cristiano, "Katoliko ako," katumbas ito ng pagsasabing, "Pandaigdigan/Panlahatan ako." Paano ka naging "pandaigdigan"? Ikaw ay pandaigdigan, sapagkat kaakibat ng iyong pagiging Cristiano ang pagpapahayag at pagpapalaganap ng iyong pananampalataya saan mang panig ka ng daigdig makarating; ang pananampalatayang minana mo ay para sa lahat ng tao, hindi lang para sa iyo. Paano ka naging "panlahatan"? Ikaw ay panlahatan, sapagkat ang pananampalatayang tinanggap mo, ipinahahayag mo, at ipinalalaganap mo ay nagtataglay ng lahat ng mga itinuro ng Panginoong Jesus, walang labis at walang kulang. Minana mo ang pananampalatayang nagtuturo ng lahat ng mga ...

Si Bishop Soc at ang Isyu ng Vote Buying

Imahe
UPDATED : 8:02 PM 9/29/2023   Noong ika-28 ng Oktubre 2021, nag-upload ng video si Bishop Socrates Villegas sa kanyang Facebook page, na may pamagat na "You are Priceless!" Narito ang kanyang mga sinabi: Halimbawa po kausapin ka ng kaibigan mo, "Magnakaw ka ng dalawampung bote ng softdrinks sa grocery. Sampu sa'yo, sampu sa'kin." Pero hindi ka tumupad at hindi ka nagnakaw. Kasalanan ba 'yon? Halimbawa po si tatay meron siyang kerida. Nag-usap sila, "Sa araw na ito, sa panahong ito, sa lugar na ito, magtatagpo tayo." At hindi siya tumupad; nang-indyan siya dun sa kanyang kerida. Kasalanan ba 'yon? Halimbawa may ginawang masama 'yung kuya mo at sabi niya sa'yo, "Kapag nahuli, sabihin mo lang 'Hindi totoo.' Ituro mo na lang 'yung kapitbahay naten. Ako na bahala sa McDonald's mo o sa burger mo sa susunod na lalabas tayo." Pero hindi ka nagsinungaling. Sinabi mo 'yung totoo. Di ka tumupad sa ...