Ang Tunay na Simbahang Itinatag ni Cristo
San Lorenzo Ruiz Parish, San Pedro City, Laguna SIMBAHANG KATOLIKA Sa gitna ng napakaraming magkakaibang mga grupo sa relihiyong Cristianismo, paano pa tayo makatitiyak na ang Simbahang Katolika nga ang tunay na Iglesya? Ayon sa Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko ( KPK ), ang Simbahang Katolika ay " sambayanan ng mga tao na nagkakaisa kay Kristo at ginagabayan ng Espiritu Santo, sa pamumuno ng kahalili ni Pedro at ng mga Obispong nakikiisa sa kanya. Sa gayon, patuloy silang tumatahak patungo sa Kaharian ng Ama bilang tagapagdala ng pahayag ng kaligtasang ukol sa lahat. " ( KPK 1444). Unawain natin ito nang mabuti. "... sambayanan ng mga tao" Ito mismo ang literal na kahulugan ng salitang "simbahan" ( qahal sa Hebreo, ekklesia sa Griyego, church sa Ingles, iglesia sa Kastila). 1 Ang salitang "simbahan" ay walang anumang masama o kakatwang kahulugan, manapa'y isang karaniwang salitang Filipino na ginawaran ng mab...