Mga Post

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Bakit ka Katoliko?

How does man respond to God who reveals himself? Sustained by divine grace, we respond to God with the obedience of faith, which means the full surrender of ourselves to God and the acceptance of his truth insofar as it is guaranteed by the One who is Truth itself. – COMPENDIUM OF THE CATECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH, 25 Sa dami ng magkakaibang relihiyon sa daigdig, bakit pinili mong maging Katoliko? Mayroong apat na pangunahi't magkakaugnay na dahilan kung bakit naninindigan ako sa Katolikong relihiyon: Dahil naniniwala akong mayroong iisang Diyos ( monoteismo ), alinsunod sa dikta ng katuwiran. Dahil, sa kabila ng napakaraming magkakaibang relihiyon, mayroon lamang tatlong pandaigdigang relihiyon na maituturing kong totoong monoteista — Judaismo, Cristianismo, at Islam — at magkakaugnay ang kasaysayan ng kanilang pinagmulan. 1 Dahil, sa tatlong ito, Cristianismo lamang ang ...

Totoo bang may Diyos? (v.2)

"Our holy mother, the Church, holds and teaches that God, the first principle and last end of all things, can be known with certainty from the created world by the natural light of human reason. Without this capacity, man would not be able to welcome God's revelation. Man has this capacity because he is created in the image of God." – CATECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH, 36 1. Bakit ka naniniwalang may Diyos? Naniniwala akong may Diyos dahil kung seryosong pag-iisipan, dinadala ako ng katuwiran sa ganitong paniniwala. "Kung seryosong pag-iisipan" — Hindi tayo nakikipaglokohan sa sarili o sa kapwa. Wala tayong mapapala sa biru-biruang pamimilosopong walang katuturan. Huwag mong pakikialaman ang mga seryosong paksa kung wala ka namang taimtim na hangaring alamin ang totoo. "Dinadala ako ng katuwiran" — Anumang mga pangangatuwiran ang pinanghahawakan mo, panindigan m...

Mga Pagmumuni-muni #4

Imahe
Image by Pedro Ivo Pereira Vieira Pedin from Pixabay 3:18 PM 10/18/2025 Mga Anti-Katolikong Katoliko? Habang tumatagal, napapansin kong ang anti-Katolisismo ay hindi na lamang nasusumpungan sa hanay ng mga di-Katolikong Cristiano kundi pati na rin mismo sa hanay ng mga Cristianong nagpapakilalang Katoliko. Ang kanilang karaniwang pag-uugali ay ang pambabatikos sa mga pinuno ng Simbahan, partikular sa Santo Papa. Iniiwasan ko ang mga ganyang klaseng tao. Para sa akin, ikapapahamak ng kaluluwa ang pakikinig at pakikihalubilo sa kanila. Bilang Cristiano, hindi ka dapat nang-uudyok ng paghihimagsik. Kung mayroon ka mang inaakalang lehitimong reklamo laban sa mga pinuno ng Simbahan, paunahan mo na agad ang iyong mga pananalita ng tahasang pagpapahayag ng katapatan at pagpapasakop sa awtoridad ng Santa Iglesia. Dahil kung basta-basta ka na lang magrereklamo, kung basta-basta ka na lang magbubunganga tungkol sa mga inaakala mong pagkakamali at pagkukulang ng kaparian, hindi ba't ...

Sino Raw Ako Ayon sa Google?

Imahe
Kamakailan, pinag-iisipan kong maghanap ng alternatibong trabaho bukod sa kasalukuyan kong hanapbuhay bilang isang transcriptionist , at naitanong ko sa sarili, "Ano kayang impormasyon ang masusumpungan ng mga recruiter kapag ginawan nila ako ng background check ?" Kaya't hinanap ko sa Google ang pangalan ko, "McJeff Frondozo," at laking gulat ko na ito ang impormasyong kinatha ng kanilang AI Mode : May mga pinagsasabi itong ibig kong bigyang-linaw dahil maaaring magdulot ng maling pagkakakilala sa akin: "McJeff O. Frondozo is a Catholic apologist from the Philippines who is known for his online writing and his website, 'Sa Ibabaw ng Bato'" — Hindi ko kailanman ipinakilala ang sarili ko na isang Katolikong apolohista. Oo, Katolikong Cristiano ako, at oo, nagsusulat ako ng apolohetika at ibinabahagi ito sa aking blog. Subalit buo ang aking paninindigan na ang pagiging apolohista ay isang pormal na paglilingkod sa Simbahan na nangang...

Mga Anti-Katoliko sa Facebook

Imahe
Image by William Iven from Pixabay Kapag ba nakipagtalo ka sa mga anti-Katoliko sa social media , mapagbabago mo ba ang isip nila? Mayroon na bang mga nagsisi't sumampalataya nang dahil sa mga Katolikong buong sigasig na tumutugon sa pang-aalipusta ng mga damuhong ito? At mayroon na bang mga Katolikong talagang natutulungan—alalaong-baga'y napapaging-banal—sa tuwing nakababasa sila ng mga naturang pakikipagtalo? Sa aking palagay, bagama't tungkulin nating ipahayag at ipaglaban ang ating pananampalataya (sapagkat kabilang ito sa mga kawanggawang pangkaluluwa), hindi ito dapat lubhang pinag-aaksayahan ng panahong gawin sa social media . Oo, seryosohin mo ito sa paraang dapat laging totoo at mapagmahal ang iyong mga pananalita, pero huwag namang paabutin sa puntong nakukunsumi ka na't nasisira ang araw nang dahil sa tila ba'y walang katapusang pagpapaliwanag sa mga taong walang katulad na pagmamalasakit sa katotohanan at sa ikaliligtas ng kapwa nila. May mga ta...