Sinong Gusto Mong Maging Santo Papa?

AI-generated image Sa pagpanaw ni Pope Francis, nagsimula nanaman ang mga post sa social media na tila ba nagkakampanya na ng kani-kanilang mga kursunadang kardenal sa pagka-papa. Sana daw mapili si Kardenal XYZ, dahil siya'y mabait, matalino, konserbatibo, atbp. Sana daw manalo si Kardenal ABC, dahil kasing-ugali niya si Pope Francis, at mapagkakatiwalaang magpapatuloy sa kasalukuyang takbuhin ng Simbahan. Sana daw si Kardenal 123 na lang, para magkaroon na ng Pilipinong Santo Papa at nang siya'y lalong makapagbigay-karangalan sa bansa. Subalit ang mga pamantayang ito'y pawang makamundo at walang katiyakan. Yung mabait ngayon, maaari pa rin namang maging masama sa hinaharap, o baka nga may itinatagong sama ng ugali o maitim na balak na hindi pa lamang nabibisto (Eclesiastes 7:20; Roma 16:17-18). Yung akala mong matalino, maaari pa rin namang madulas ang dila at magturo ng mga kung anu-anong nakalilito at nakapanliligaw na aral (Santiago 3:1-2). At yung pagdadala...