Mga Paglilinaw Hinggil sa Pasko
Ang salitang "Pasko" Dahil sa impluwensya ng mga Kastila na tinawag itong Pascua de Navidad kaya natin nakagisnang tawaging "Pasko" ang Kapanganakan ng Panginoon. Sa Espanya, naging malawak ang gamit ng salitang pascua , na sa pasimula'y tumutukoy lamang sa Pista ng Paskuwa ng mga Judio ( Pascua judía, Pascua de los hebreos, Pascua de los judíos ). Dahil ang Paskuwa ay isang malaking kapistahan sa Judaismo, at dahil tayong mga Cristiano ay hindi na ito ipinagdiriwang, nakaugalian nang tawaging pascua ang mga mahahalagang kapistahan sa Simbahan. Kaya't sa Espanya, bukod sa Pascua de Navidad , ikinapit din ang salitang "pasko" sa Dakilang Kapistahan ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon ( Pascua de Resurrección ) at sa Dakilang Kapistahan ng Pagpanaog ng Espiritu Santo ( Pascua de Pentecostés ). Maging ano pa man ang mga nakagisnang itawag sa dakilang kapistahang ito — "Pasko," "Christmas," "Noel," "...