Masama bang tawaging "Padre" ang mga Pari?
"Huwag ninyong tawaging ama ang sino mang tao sa lupa, sapagkat iisa lamang ang inyong Ama na nasa langit." MATEO 23: 9-10 Kung iisipin, dito sa atin sa Pilipinas, wala namang tumatawag sa Pari ng "ama," "tatay," "itay," "papa," "amang," o "tatang." Ang nakagisnang tawag ay "Padre," (na halata namang impluwensya lamang ng mga Kastila) o di kaya'y ang Amerikanong salitang "father" para sa mga naaasiwa sa makalumang tono ng "Padre." Oo, pare-pareho ang literal na kahulugan ng mga ito, subalit malinaw din naman sa atin na pagdating sa mga Pari, ginagamit lamang ang mga naturang salita bilang pagkilala sa kanilang mismong pagka-pari, hindi para palitan ang Diyos Ama bilang iisa at pangkalahatang Ama ng sangnilikha. Sa totoo lang, makapagtuturo ba tayo ng kahit isang Katoliko na may gayong maling pananaw? Sapagkat sino bang matinong Katoliko ang mag-iisip na pinapalitan ng Pari ang ...