Marami ka bang alam sa Biblia?

Isang malaking palaisipan sa akin kung paanong nagagawang angkinin ng mga anti-Katoliko na sila daw, di umano, ay maraming alam sa Biblia. Maraming beses na daw nila itong nabasa, at sa tulong nito'y napagtanto nilang ang Simbahang Katolika nga ay mali. Ipinagmamayabang ng mga ateista na sa pagbabasa daw ng Biblia natuklasan nila na ang Diyos ng Cristianismo ay isang malaking kalokohan. Sinasabi naman ng mga "dating Katoliko" (na umanib sa ibang sekta) na sa pagbabasa daw ng Biblia nabisto nila ang mga sari-saring inimbentong aral ng Katolisismo, at kanilang natagpuan ang "tunay na iglesya" na nagtuturo ng "katotohanan". Siyempre pa, may nakahanda na silang listahan ng mga taludtod na ipamumukha sa iyo sa sandaling hanapan mo sila ng katibayan ng kanilang ipinagmamalaking "kaalaman". Hindi ako makapaniwala kung paano nila iyon nagagawaang pagtiyagaang basahin ang Bibliagayong kung ako nga, na isang Katoliko at may-akda ng blog na ito ay l...