Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2025

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Sinong Gusto Mong Maging Santo Papa?

Imahe
AI-generated image Sa pagpanaw ni Pope Francis, nagsimula na naman ang mga post sa social media na tila ba nagkakampanya na ng kani-kanilang mga kursunadang kardenal sa pagka-papa. Sana daw mapili si Kardenal XYZ, dahil siya'y mabait, matalino, konserbatibo, atbp. Sana daw manalo si Kardenal ABC, dahil kasing-ugali niya si Pope Francis, at mapagkakatiwalaang magpapatuloy sa kasalukuyang takbuhin ng Simbahan. Sana daw si Kardenal 123 na lang, para magkaroon na ng Pilipinong Santo Papa at nang siya'y lalong makapagbigay-karangalan sa bansa. Subalit ang mga pamantayang ito'y pawang makamundo at walang katiyakan. Yung mabait ngayon, maaari pa rin namang maging masama sa hinaharap, o baka nga may itinatagong sama ng ugali o maitim na balak na hindi pa lamang nabibisto (Eclesiastes 7:20; Roma 16:17-18). Yung akala mong matalino, maaari pa rin namang madulas ang dila at magturo ng mga kung anu-anong nakalilito at nakapanliligaw na aral (Santiago 3:1-2). At yung pagdadal...

Makapagliligtas ba ang Pananampalataya Lamang?

Makapagliligtas ba ang pananampalataya lamang? Hindi (Santiago 2: 14-26). Ang pananampalatayang hiwalay sa pag-ibig at gawa ay panloloko sa sarili, patay, at walang kabuluhan (1 Corinto 13: 2; Santiago 1: 22, 2: 26). Ang mahalaga sa Diyos ay ang pananampalatayang "gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig" (Galacia 5: 6 Ang Biblia). Sa mata ng Diyos, "pinakadakila sa lahat" ang pag-ibig (1 Corinto 13: 13), at ang tunay na pag-ibig ay gumagawa (1 Juan 3: 18). Walang kabuluhan ang pananampalatayang walang pag-unlad at hindi nadadagdagan ng kabutihang-asal, kaalaman, pagsupil sa sarili, katatagan, kabanalan, pagmamalasakit, at pag-ibig (2 Pedro 1: 5-9). Maliwanag ngang sinasabi ng Biblia: "ibinibilang na matuwid ang isang tao dahil sa kanyang mga gawa at hindi dahil sa kanyang pananampalataya lamang." (Santiago 2: 24). Hahatulan tayo ng Diyos batay sa mga mabubuting gawa na ginawa natin kalakip ng ating pananampalataya sa kanya (Roma 2: 6-11; 2 Corinto 5: 10; Jua...

Labag ba sa Biblia ang Simbang Gabi?

Imahe
UPDATED : 4:23 PM 2/7/2022 ANO BA TALAGA ANG LAYUNIN NG PAGSISIMBANG-GABI? Sinasabing ang Simbang Gabi ay isinasagawa para sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria (Lucas 1: 42-45, 46-49): ang siyam na gabi ay sumasagisag sa siyam na buwang pagdadalang-tao ng Mahal na Birhen, hanggang sa pagsilang ng Panginoong Jesus, na ginugunita nga sa araw ng Pasko. Itinuturing itong isang "nobena" (siyam na araw ng pananalangin) 1 kalakip ang mga personal na intensyon ng isang deboto, kaya't lumaganap ang paniniwalang kung makukumpleto mo ang Simbang Gabi'y matutupad din ang iyong kahilingan. May mga nagsasabi ring ito daw ay isang nakagisnang pamamaraan ng pagpapasalamat sa dakilang kagandahang-loob ng Diyos, na nagbigay sa sangkatauhan ng pinaka-dakilang "aginaldo" (regalo) — ang pagkakatawang-tao ng mismong bugtong na Anak ng Diyos, ang Tagapagligtas ng sangkatauhan (Juan 3: 16). Ang pagsasakripisyo ng siyam na gabing pagsisimba ay nagiging tanda ng pasasalama...

Totoo bang may Diyos?

Imahe
"Ibig kong ipagpatuloy mo ang pagpunta sa Cova de Iria sa ika-13, at magpatuloy sa pagdarasal ng Rosaryo araw-araw. Sa huling buwan, gagawa ako ng himala upang ang lahat ay maniwala." Mga salita ng Mahal na Birhen kay Lucia 13 August 1917   ANG PAG-IRAL Ang pag-iral ( existence ) ay isang kaisipan ( concept ) na mahalaga lamang para sa isang may-buhay na may-isip ( intelligent being ) na (a) sadyang nakapapansin sa kanyang kapaligiran (sa bisa ng mga kakayahang pandamdam), (b) nagpapahalaga sa katotohanan (dahil sa likas na pagkahilig sa kung ano ang tama at totoo), at (c) inuunawa ang sanlibutan g kinabibilangan niya (sa bisa ng makatuwirang pag-iisip). Sa madaling salita, ang usapin hinggil sa pag-iral ng kung ano pa mang bagay ay mahalaga lamang para sa isang matinong tao . Sa aking palagay — bilang isang tao na nakatitiyak ng sarili nitong katinuan — ang pag-iral ay tumutukoy sa tatlong magkaka-ugnay na mga katangiang di-mapaghihiwalay: ➊ ...