Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2025

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Itinuro ba ni Pope Francis ang Erehiya ng Sola Scriptura?

Imahe
ANG TANGING TUNAY NA GABAY? Noong Enero pa pala lumabas ang tweet na ito mula sa X (Twitter) ng Santo Papa ( @Pontifex ); hindi ko napansin dahil hindi naman ako gumagamit ng X. Nalaman ko lang ang tungkol dito nang makita ko ang isang post mula sa Facebook page ng St. Pauls Online kung saan nagbahagi sila ng di-umano'y sipi mula kay Pope Francis. Ang sabi: "Scripture is the only true compass for our journey, and it alone is capable of leading us back to the true meaning of life amid so much woundedness and confusion." Siguro, kung hindi ka gaano nag-iisip, aakalain mo na ito'y isang magandang mensahe. Oo nga naman kasi, bilang mga Katolikong Cristiano, itinuturing naman talaga natin ang Biblia bilang tiyak na gabay sa ating buong buhay-espirituwal, dahil ika nga ng Katesismo, ang mga Banal na Kasulatan ay "nagpapakain at namamatnubay sa buong buhay ng Cristiano" (CCC 141). Ang problema ay ang mga salitang "the only true compass" at ...

Miyerkules ng Abo

Imahe
[ REVISED AND REUPLOADED ] "Sa pamamagitan ng Miyerkules ng Abo, sinisimulan natin ang panahon ng Kuwaresma bilang paghahanda sa Misteryo ng Paskuwa—ang pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesus. Sinisimulan natin ang Kuwaresma sa pagpapahid ng abo sa noo bilang tanda ng ating pagdadalamhati o pagsisisi sa mga ginawa nating kasalanan. Subalit ang ritwal na ito ay kailangang may kalakip na pagbabalik-loob o pagbabago ng puso. Umaasa tayo sa kabutihan at awa ng Diyos sapagkat batid natin na hindi sapat ang sarili nating lakas." [SOURCE: Paunang Salita, Sambuhay, Pebrero 25, 2009.] [ PHOTO: Ahna Ziegler on Unsplash ]   TAYO LANG BANG MGA KATOLIKO ANG NAGDIRIWANG NG MIYERKULES NG ABO? Hindi nag-iisa ang Simbahang Katolika sa pagdiriwang ng MiĆ©rcoles de Ceniza. Isinasagawa rin ito ng mga sektang Anglikano , Luterano , Metodista , at ng iba pang mga grupong Protestante at independienteng Katoliko . Bagama't hindi ito ipinagdiriwang ng karamiha...