Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2025

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Pamimintuho sa Imahen ng Nazareno: Kalabisan nga ba?

Imahe
Constantine Agustin, Black Nazarene , edited using ULEAD PhotoImpact 7.0 by McJeff F., CC BY-SA 2.0 Kung sasaksihan ang isinasagawang Traslación ng imahen ng Nuestro Padre Jesús Nazareno tuwing ika-siyam ng Enero taun-taon, at sa tuwing nakakausap natin ang mga di-Katolikong paulit-ulit itong tinutuligsa, hindi talaga maiiwasan na tayo mismo'y mapaisip at magtanong sa ating mga sarili: "Kalabisan na nga ba ang mga pinaggagagawa natin?" Bakit gayon na lamang katindi ang pamimintuhong iniuukol sa isang rebulto lang, habang walang gayong katinding debosyon na makikitang naiuukol sa mismong tunay na presensya ng Panginoong Jesu-Cristo sa Banal na Eukaristiya (halimbawa, sa tuwing nagsasagawa ng mga eucharistic procession )? At kung ang naturang debosyon ay ipinagmamalaki nating tanda ng laganap na paninindigan sa Pananampalatayang Katolika sa Pilipinas, bakit nananatiling hati ang opinyon nating mga Katoliko pagdating sa mga usaping moral gaya ng diborsyo, homose...

Mga Pagmumuni-muni ng Isang Katolikong Walang Asawa

Imahe
Photo by Kelvin Valerio: https://www.pexels.com/photo/man-wearing-black-cap-with-eyes-closed-under-cloudy-sky-810775 (edited) "Bakit wala ka pang asawa?", "Kailan ka mag-aasawa?", "Single ka pa rin?", "Mag-asawa ka na, uy." Ilan lamang ito sa mga paulit-ulit mong maririnig sa mga tao habang tumatanda ka. Ngayong lumalapit na ako sa edad na 40, mas lalo pang tumitindi ang mga naturang pangangantyaw. Pakiramdam ko nga'y napagiiwanan na ako, lalo pa't halos lahat na yata ng mga kaibigan ko ay may mga sariling pamilya na. Sa Facebook nga, tila ba ako na lang ang hindi nagpopost ng picture ng sarili niyang asawa't mga anak. Sanay na tayo na gawin itong paksa ng mga biruan at mga di pinag-iisipang pangungulit at pangingialam, sa kabila ng katotohanang ang pag-aasawa ay isang seryosong desisyong panghabambuhay na may kapangyarihang baguhin ang buong buhay at pagkatao mo. Naiintindihan ko naman ang pangangailangang magmadali sa pag-aasaw...