Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2024

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Hindi Po Ako Iyan

Imahe
SCREENSHOT DATE: Tuesday, December 17, 2024, 5:50:09 PM. URL: https://web.facebook.com/CatholicDefenseGroup Habang nagtitingin-tingin sa Facebook ng mga kung anu-ano, nakita ko ang isang page na may pamilyar na pamagat: "Sa Ibabaw Ng Bato." At tulad ng blog na ito, tila ba nakatuon din ang naturang pahina sa mga paksa ng apolohetika at mga bagay-bagay tungkol sa Pananampalatayang Katolika. Nais ko pong linawin na wala po akong kaugnayan sa naturang page . Batay na rin mismo sa page transparency info ng page na iyon, nalikha lamang ito nitong ika-19 ng Agosto, at may dating pamagat na "Saint Peter's Men Society - National Shrine of Jesus Nazareno - SPMS Quiapo," na nang sumunod na araw ay pinalitan ng "Catholic Defense," at kalaunan, nang ika-28 ng Nobyembre ay naging "Sa Ibabaw Ng Bato" na nga. Malinaw na hindi po ako iyan , kaya't huwag sanang maging sanhi ng kalituhan. Gaya ng makikita sa mga disclaimer na inilalagay ko sa aking mga p...

Maria: Birhen Magpakailanman

Imahe
[ EDITED AND REPOSTED : 9:23 AM 12/2/2024] Image by SAJ-FSP from Pixabay (edited)   AEIPARTHENOS Ang Mahal na Inang Maria ay pinararangalan din natin bilang "Mahal na Birhen" sapagkat siya'y namalaging birhen bago , habang , at pagkatapos ipanganak ang Panginoong Jesu-Cristo. Sa Second Council of Constantinople (553 A.D.) tinawag siyang Aeiparthenos , salitang Griyego na ang kahulugan ay "Laging-Birhen" ( Ever-Virgin ) . Isa ito sa mga mahahalagang aral ng ating Pananampalataya na dapat tanggapin, sapagkat tuwiran itong nakaugnay sa mga katuruan hinggil sa Persona ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa kanyang gawaing pagliligtas sa atin, at sa kung paano ba tumugon ang ating Mahal na Ina sa mapanligtas na gawaing iyon ( CCC 502).   BAGO, HABANG, AT PAGKATAPOS "Kaya nga ang Panginoon na rin ang magbibigay sa inyo ng isang tanda: Tingni, maglilihi ang birhen at manganganak ng lalaki na tatawaging Emanuel" (Isaias 7: 14). Ay...