Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2022

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Ang Aking Opinyon Hinggil sa Halloween

Imahe
Bilang isang Pilipinong Katoliko, ang pagdiriwang ng Undas 1 ay karaniwang tungkol lamang sa dalawang pangunahing gawain: ➊ ang pagsisimba sa araw ng Todos Los Santos at Araw ng mga Patay, at ➋ ang pagdalaw sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay. Wala ka nang panahon sa mga kung anu-anong ipinauusong aktibidad na walang kinalaman sa dalawang ito, maliban na lang kung hindi ka Katoliko, o kung hindi ka pa namamatayan ng mahal sa buhay. Kaya nga't kadalasan, para lang maipagsiksikan sa kultura ng mga Pilipino ang mga kanluraning kaugalian ng Halloween gaya ng mga costume party at trick-or-treat , isinasagawa nila ang mga naturang aktibidad sa ibang mga petsa — kung minsa'y mga ilang araw bago ang mismong bisperas, at kung minsan nama'y sa mismong gabi na lamang ng ika-1 at ika-2 ng Nobyembre. Photo by Steven Weeks on Unsplash Wala namang makahulugang dahilan para magsabit ng mga dekorasyong nakakatakot. Wala namang makahulugang dahilan para magsuot...