Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2022

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Namatay bang anti-Katoliko si Rizal?

Imahe
Appeal to False Authority Kabilang sa mga paboritong taktika ng mga anti-Katoliko (lalo na sa social media ) ay ang pagsasangkalan kay Rizal bilang "katibayan" na mali talaga ang Simbahang Katolika hinggil sa kung ano pa mang paksang nais nilang tuligsain. Hindi malinaw ang batayan nila sa kung bakit nila ito ginagawa. Iniisip ba nilang ang pagiging "pambansang bayani" ay nangangahulugang ang isang tao'y maituturing na katiwa-tiwalang dalubhasa sa mga aral ng relihiyon? Inaakala ba nilang sa "sobrang talino" ni Rizal ay imposible na siyang magkamali sa anumang paksang tinatanggap niya o tinututulan niya? Kinikilala ba nila si Rizal bilang perpektong huwaran ng isang tunay na mabuti at matalinong Pilipino? Sa tuwing kinakalaban ng isang tao ang Simbahang Katolika, gaano ba talaga kaimportante na maging "kakampi" niya si Rizal? Sa logic may tinatawag na appeal to false authority — alalaong-baga'y ang pagsasangkalan ng mga maling tao b...