Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2022

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Ang Kaplastikan ng National Bible Sunday

Imahe
Ngayong linggo ipinagdiriwang natin ang Pambansang Linggo ng Biblia. Bakit nga ba? Sino bang nagsabi na gawin natin ito? Sa katunayan, hindi naman ito isang pagdiriwang na pinasimulan mismo ng Simbahang Katolika, bagkus ay pinasimulan ng pamahalaan sa pangunguna ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, at saka inamyendahan ng mga dating Pangulong Corazon Aquino at Fidel Ramos, at ng kasalukuyang Pangulo, Rodrigo Duterte. PROCLAMATION No. 2242 DECLARING THE LAST SUNDAY OF NOVEMBER AS BIBLE SUNDAY AND THE WEEK FOLLOWING AS NATIONAL BIBLE WEEK AND EVERY YEAR THEREAFTER. WHEREAS, it is a policy of the State enunciated in the Constitution that the government shall aid and encourage the development of the moral character and personal discipline of the people; WHEREAS, certain activities pursued in the exercise of religious freedom contribute to the attainment of this goal which should receive the encouragement and support of the government upon the condition that all religious se...

Ang Aking Opinyon Hinggil kay Maxene Magalona

Imahe
UPDATED : 11:08 AM 1/12/2023 Sino ba si Maxene Magalona? Isinilang noong ika-23 ng Nobyembre, 1986, anak ng sikat at yumaong rapper na si Francis Magalona, si Maxene Sofia Maria Magalona ay isang aktres, assistant director, modelo, host, at yoga instructor. Nakapagtapos ng bachelor's degree sa Social Sciences sa Ateneo de Manila University, noong Marso, 2010. Aniya, malaki ang naitutulong sa kanya ng yoga para lunasan o ibsan ang kanyang Complex Post Traumatic Stress Disorder (C-PTSD). 1   Ang kontrobersyal na Instagram post Kamakaila'y naging usap-usapan, lalo na sa panig ng mga Katolikong apolohista, ang post ni Maxene hinggil sa kanyang paninindigan na "hindi labag sa Diyos" ang kanyang paggamit sa imahen ni Ganesha para sa pag-aalis ng mga balakid sa buhay, ng mga kristal para sa kaliwanagan ng pag-iisip at wagas na pag-ibig, ng mga japamala para sa pagbigkas ng mga Sanskrit mantra , at ng sage at palo santo para sa pagtataboy ng mga neg...