Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2021

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Maria: Iniakyat sa Langit

Imahe
Ang turo ng Simbahan Sa darating na ika-15 ng Agosto, muli nating ipagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Hindi ito isang paniniwala na naglalayong dakilain ang Ina ni Jesus nang higit sa nararapat, bagkus ito'y isang katotohanan ng pananampalataya na nagbibigay ng karangalan sa Diyos, naaayon sa diwa ng Ebanghelyo, at nakatutulong sa ating paglalakbay sa landas ng kabanalan. Kaya naman, walang pag-aalinlangang ipinahayag ni Pope Pius XII na silang mga itinatanggi o pinagdududahan ang doktrinang ito ay maituturing na "lubusan nang natalikod sa banal na Katolikong Pananampalataya" ( Munificentissimus Deus , 45). Hindi ka tunay na Katoliko kung hindi mo ito lubos na pinaniniwalaan. "Hinirang upang maging Ina ni Jesus na ating Tagapagligtas, si Maria ay ipinaglihi sa sinapupunan ng kanyang ina nang walang bahid-dungis ng kasalanang-mana. Sa kanyang kamatayan, ang kanyang katawan at kaluluwa ay iniakyat sa langit . A...

Maniniwala ka ba sa mga Manghuhula?

Imahe
UPDATED : 7:25 AM 6/5/2024 Photo by Anastasia Shuraeva from Pexels (edited) Kung iisipin, posible naman talagang magkaroon ng tumpak na kaalaman hinggil sa mga mangyayari sa hinaharap, batay sa isang makatuwiran at siyentipikong pagsisiyasat sa mga nangyari sa nakalipas at sa mga nangyayari ngayon sa kasalukuyan. Ang kailangan lamang ay sapat na kaalaman sa mga sanhi at epekto ng mga bagay-bagay sa mundo. Halimbawa, hindi ba't nahuhulaan natin nang tama kung kailan sumasapit ang kabilugan ng buwan, kung anong oras ang high tide at low tide , kung ano ang mga lugar na dadaanan ng bagyo, kung kailan magkakaroon ng eclipse at kung saan ito maaaring masaksihan, kung kailan ang expiration date ng mga pagkaing de-lata, at kung anu-ano pa? Ang hinaharap ay EPEKTO ng kasalukuyan; kung may sapat kang kaalaman sa mga nangyayari ngayon, maaari mo talagang malaman ang mangyayari bukas (at hanggang sa mas malayong hinaharap). Gayon man, imposibleng makamit ng sinumang tao ...

Mga Tsismis tungkol sa mga Banal na Imahen

Imahe
Mahilig ka ba sa mga tsismis? Madali ka bang mapaniwala ng mga sabi-sabi? Kung kapwa mo Katoliko ang nagkwento, agad ka bang nagtitiwala? Kapag may ebidensyang ipinakita sa iyo, agad mo ba itong tinatanggap sa halip na siyasatin muna? Basta ka na lang ba naniniwala sa lahat ng makita mo sa internet, lalo na sa social media ? Noong June 21, 2017, naglabas ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines ( CBCP ) ng liham pastoral na pinamagatang " CONSECRATE THEM IN THE TRUTH: A Pastoral Exhortation Against Fake News ". Dito'y pinaalalahanan tayo hinggil sa mga masamang epekto ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon: "Crucial decisions — personal and social — depend on the accurate grasp of facts. 'Alternative facts' and 'fake news' engender faulty decisions many times with disastrous long-term consequences to persons and to communities . Sadly, we see this happening today. There are persons who have given themselves to the service of repor...