Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2021

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Porke't Marami, Mali na Lahat?

Imahe
Simple lang ba ang buhay ng tao? Sa aking palagay, hindi. Bakit? Ito'y sapagkat lagi tayong nangangailangang magdesisyon. Lagi tayong namimili ng kung ano ba ang dapat o di dapat gawin. Kahit sa panaginip nag-iisip pa rin tayo kung paano tutugon sa daigdig na kinatha ng ating imahinasyon. At kapag nakapagdesisyon ka na, napagtatanto mong marami ka palang dapat gawin, at may mga pagkakataon ding hindi lahat ng ito ay magagawa mo (dahil sa mga limitasyong itinatakda ng totoong buhay). Ang simpleng buhay , sa aking palagay, ay ang pagkakaroon ng ➊ tiyak na desisyon sa lahat ng bagay nang di nangangailangan ng matagal at masinsinang pagpapasya , at ng ➋ mabilis at mabisang pagsasakatuparan ng iyong napagpasyahan . Maikli lang ang buhay ng tao kaya't di dapat sayangin sa labis na pag-iisip at walang katuturang pagpapakapagod. Subalit ang naturang paghahangad ay di dapat maging dahilan para huwag nang pag-isipan ang mga bagay na kailangang pag-isipan, at huwag nang pagsikapa...