Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2021

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Ang Matuwid na si Lot

Imahe
"Ang asawa ni Lot ay lumingon at naging isang haliging asin" (Genesis 19: 26) [ Image by hello1694 from Pixabay ] ". . . tinupok niya ang dalawang lungsod ng Sodoma at Gomora at pinarusahan sila hanggang malipol bilang halimbawa ng sasapit sa mga tampalasan; iniligtas niya ang matuwid na si Lot, na nahirapan dahil sa kahalayan ng mga salaring yaon — sapagkat ang taong matuwid na ito na nakikipamayan sa kanila ay nahihirapan sa kanyang kaluluwang banal araw-araw dahil sa masasamang gawain na kanyang nakikita at naririnig. Nalalaman ng Panginoon kung paanong ililigtas sa pagsubok ang mga banal at ilalaan ang parusa sa mga tampalasan hanggang sa araw ng paghuhukom . . ." ( 2 PEDRO 2: 6-9) Bilang mga Katoliko, tinuruan tayong alalahanin ang buhay ng mga Santo at Santa upang matuto tayo sa kanilang mga halimbawa. Alalahanin natin, kung gayon, itong si Lot na ayon kay San Pedro ay isang "taong matuwid" at may "kaluluwang banal" daw, at ...