Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2021

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Emperador Constantino: Pasimuno ng Katolisismo?

Imahe
Pagdating sa kasaysayan, napakadaling manloko ng tao. Madali tayong linlangin dahil ang karamihan sa atin ay walang panahong magsaliksik. Ano ba naman kasi ang pakinabang ng mga kaalamang pang-kasaysayan sa araw-araw na buhay ng isang Pilipino? Sa kaso ko, masasabi ko talagang wala. Limang araw sa sanlinggo'y pumapasok ako sa trabaho, at umuuwi akong pagod. At sa dalawang araw na day off ko, nakalaan na ang mga libreng oras para sa pag-aasikaso ng labada, sa pamamalengke, sa mga gawaing-bahay, at sa pag-tupad ng iba ko pang mga responsibilidad. Anumang nalalabing oras ay laan na para sa pagpapahinga at paglilibang. Saan pa isisingit ang pagsasaliksik? Paalaala nga ng Mangangaral: "Nakababagot sa laman ang matagal na pag-aaral" (Eclesiastes 12: 12). Si Emperador Constantino daw ang nagtatag sa Simbahang Katolika, ayon sa mga anti-Katoliko. Nakayayamot sagutin ang bintang na ito, hindi lamang dahil sa naaabala ako; nakayayamot sapagkat maituturing itong pagl...