Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2021

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Ang Anti-Katolisismong di mo dapat Pinoproblema

Imahe
AI-generated image Mapalad akong mapabilang sa isang bahagi ng lipunang marunong rumespeto sa karapatan sa kalayaang panrelihiyon. Maaari akong mamuhay nang ayon sa aking Pananampalataya nang hindi dumaranas ng mga pag-uusig. Kung may sumalungat man sa akin, hindi nila ako maaaring pilitin na magbago ng paniniwala. Hindi nila ako pwedeng patayin, pagbantaan, saktan, hamakin, o pagkaitan ng mga karapatan. Mapalad ako sapagkat minarapat ng Diyos na huwag iparanas sa akin ang buhay ng isang inuusig na Cristiano. Kung nakararanas man ako ng anti-Katolisismo, ito'y nasa anyo lamang ng mga pangungulit, pang-aabala, panunuligsa, pang-aasar, pagsisinungaling . . . Oo, ito'y mga bagay na nakapagdudulot pa rin ng pagkabalisa, lalo na sa isang Katolikong mahina ang pananampalataya (na kung pababayaa't di maaagapa'y hahantong sa pagkapahamak ng kanyang kaluluwa), subalit kung ihahambing sa mga madugong pag-uusig na nagaganap sa ibang mga lugar sa bansa at sa iba't ...