Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2020

FEATURED POST

Maria: Kalinis-linisang Paglilihi

[ REPOSTED & EDITED: 10:40 AM 11/27/2024] Ang doktrina ng Inmaculada Concepcion (alalaong-baga'y "kalinis-linisang paglilihi") ay nangangahulugan na ang Mahal na Birheng Maria, "mula't sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan upang di mabahiran ng dungis ng kasalanang-mana alang-alang sa mga kagalingang dulot ni Kristo Jesus na Tagapagligtas ng sangkatauhan" (KPK 523). Nangyari ito "bilang paghahanda sa kanyang misyon na maging ina ng bugtong na Anak ng Diyos ayon sa laman" ( KPK 394). Bagama't isang sinaunang aral na may batayan sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon, ito'y pormal lamang na naging dogma noong ika-walo ng Disyembre 1854, sa papal bull ni Pope Pius IX na Ineffabilis Deus. Wherefore, in humility and fasting, we unceasingly offered our private prayers as well as the public prayers of the Church to God the Father through his Son, that he would deign to direct and strengthen our mind by the power of th...

Marami ka bang alam sa Biblia?

Imahe
Isang malaking palaisipan sa akin kung paanong nagagawang angkinin ng mga anti-Katoliko na sila daw, di umano, ay maraming alam sa Biblia. Maraming beses na daw nila itong nabasa, at sa tulong nito'y napagtanto nilang ang Simbahang Katolika nga ay mali. Ipinagmamayabang ng mga ateista na sa pagbabasa daw ng Biblia natuklasan nila na ang Diyos ng Cristianismo ay isang malaking kalokohan. Sinasabi naman ng mga "dating Katoliko" (na umanib sa ibang sekta) na sa pagbabasa daw ng Biblia nabisto nila ang mga sari-saring inimbentong aral ng Katolisismo, at kanilang natagpuan ang "tunay na iglesya" na nagtuturo ng "katotohanan". Siyempre pa, may nakahanda na silang listahan ng mga taludtod na ipamumukha sa iyo sa sandaling hanapan mo sila ng katibayan ng kanilang ipinagmamalaking "kaalaman". Hindi ako makapaniwala kung paano nila iyon nagagawa—ang pagtiyagaang basahin ang Biblia—gayong kung ako nga, na isang Katoliko at may-akda ng blog na ito ay l...